
“ Let’s follow the path of our heroes. Let’s imitate them.”
This was stressed by Bacolod City Mayor Alfredo Abelardo Benitez during the 126th Philippine Independence Day commemoration at the Bacolod City public plaza on Wednesday, June 12, 2024.
“ We salute their service and sacrifices for our country,” Benitez said.
However, he said their fight is not yet over.
“ It is our duty as Filipinos to continue their fight,” he added.
The mayor noted that it’s important to review the history and draw inspiration from it for the new battle of the time.
“ Several heroes died for our freedom. Let’s not waste their sacrifices.
Let’s not abuse the freedom they fought for,” Benitez said.
He said Filipinos should stop the wrong habits.
“ Our changing times demand our transformation to become primary actors, not just spectators of development,” he added.
For his part, Congressman Gasataya said: “ Sa araw na ito, isang daan at dalawampu't anim na taon na ang nakalilipas, unang idineklara ng ating matatapang na mga ninuno ang kalayaan ng ating minamahal na bansang Pilipinas.”
Sa pagnanais na matamasa ang kalayaan at kasarinlan, inialay nila ang kanilang mga buhay upang ideklara sa buong mundo na ang Pilipinas at ang lahing Pilipino ay hindi kailanman uurong sa mga manlulupig at sa kung sino at ano pa man na bumabanta sa kalayaan, prinsipyo, at pagpapahalaga na sagisag ng ating watawat.
Sa katunayan, isang karangalan na dito tayo muli sa ating plaza nagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan. Marahil ay ito na ang pinakaangkop na lugar para ating gunitain ang kagitingan at sakripisyo ng ating mga ninuno sapagkat dito mismo sa ating plaza kanilang ipinamalas ang tapang, talino, at higit sa lahat ang pulso at lakas ng diwang makabayan ng mga malayang Pilipino.
Bagamat kaunti lamang ang mga rebolusyonaryo na pinangunahan ni Heneral Aniceto Lacson at limitado lang ang kanilang mga armas, naging matatag ang kanilang paniniwala na walang sinuman kundi ang mga Pilipino lamang ang maaaring lumaban para sa sariling karapatan, sa sariling kinabukasan, sa sariling Kalayaan, Gasataya added./MAP