#wegotmail: Pahayag ng Pangalawang Pangulo para sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan

DAVAO. Miposing atubangan sa World War II War Veterans Memorial Monument ang beterano nga si Emmanuel Go atol sa pagselebrar sa ika-77 Araw ng Kagitingan kagahapon, Abril 9, 2019, sa kanto sa mga dalang Roxas Avenue ug C. Bangoy, Davao City nga gisalmutan sa nagkadaiyang sektor sa gobyerno ug non-government organizations. (Macky Lim)

Published on

ASSALAMU Alaykum!

Nakikiisa ako sa lahat ng mga Pilipino sa ating paggunita ng Araw ng Kagitingan.

Ang kagitingan ng mga Pilipino noong World War II sa Battle of Bataan ay umukit ng isang mahalagang pahina sa ating kasaysayan bilang paalala sa katapangan at kabayanihan ng ating lahi, sa gitna ng kalupitan at pang-aapi.

Ngayong tayo ay nahaharap sa iba’t ibang hamon na sumusubok sa ating pagkakaisa at pagsulong, nawa’y ang kanilang kabayanihan ay magsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino. 

Sa Bataan ay naipanalo ng mga Pilipino ang pag-asa at ang taglay nitong kapangyarihan para magpatuloy tayo sa pagsulong sa kabila ng mga hamon ng panahon.

Ipagdiwang natin ang kanilang alaala sa pamamagitan ng pagtatag ng isang bansang kailanma’y hindi na muling daranas ng gayong pagdurusa.

Sa ating pagmamahal sa bayan at pananalig sa Diyos, harapin natin ang mga hamon, taglay ang paniniwalang nasa atin ang kapangyarihan para sa pagbabago  at mas magandang bukas. 

Isang makabuluhang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa bawat isa sa atin.

Ang lahat ng ating ginagawa ay para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

Shukran

SARA Z. DUTERTE

Vice President of the Philippines

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph