KON nagtuo mo ang Pasko sa Showbiz pabonggahay ra sa Christmas Tree ug palayshohay og sinina ug pagkaon sa Noche Buwena, apan karon nausab ang akong pagtan-aw human nako nahinabi ang Kapamilya star nga si Neil Coleta atol sa blessing ug grand opening sa bag-ong sangang buhatan sa ML Kwarta Padala sa White Gold Club. Dalaygon ang iyang Christmas wish. Kon unsa ni, nia ang akong exclusive interview. Neil Coleta, Ssssuper Ka!
Anong mga showbiz project mo ngayon?
May ginagawa akong movie with Liza Soberano at Enrique Gil. I’m playing the role of Enrique’s best friend. Naka-60% na kami sa shooting. Dapat ang target playdate namin was Nov. 30, pero di natuloy kasi may Vice Ganda, kaya inatras. Baka sa February, 2017 na, parang Valentines offering `ata.
Meron ka rin gagawing teleserye?
Meron pero surprise, confidential pa muna. Actually, katatapos ko lang sa “Born For You” (Elmo Magalona and Janella Salvador). I also did “And I Love You So” (Julia Barretto and Inigo Pascual). Actually, this year I’m more on advocacy movies. Yung isang ginawa ko “Katok sa Pagbabago” which is about anti-drug campaign.
Is that a project of President Rody Duterte?
Yeah, pinagawa ni Pangulong Duterte and at the same time ng Quezon City government para instead ang mga polis magsalita ng magsalita, ginawan na lang ng short film para ma-inspire yung mga nag-drugs at tuluyan ng magbago. Meron pa akong isang ginawa kay Direk Paul Soriano advocacy film din tungkol naman sa pabahay.
Wala ka bang entry ngayon sa Metro Manila Filmfest?
May entry kami entitled “Condo” pero hindi lang nakalusot. Lahat kami dito puro bida at may kanya-kanyang kuwento. Next year din. Kaya ang dami kong ipapalabas next year. Happy naman kasi meron akong movies at functions. Ngayong taon lang, naka-anim akong shows dito sa Cebu.
Saan ka magki-Christmas?
Traditional na namin basta Pasko at Bagong Taon samasama kaming pamilya sa province namin sa Cavite. Mom, dad at mga kapatid ko. Basta malapit ng Pasko busy sa paghahanap ng mga aginaldo para sa mga pamangkin, inaanak… kumbaga share your blessings sa mga natanggap mo bago magtapos ang taon. Kaysa mangibang bansa dito na lang ako.
Kasama ang girlfriend?
Oo, pero gusto ko private lang yung relationship namin kasi hindi naman siya showbiz. She’s also a model but not a showbiz person. Kasi pag ginawa mong public ang daming nangingi-alam, gusto ko tahimik na buhay lang.
Hindi ka nagpo-post ng picture n’ya?
Hindi ako masyadong naglalagay ng picture n’ya sa social media. Minsan paisa-isa pero hindi naman lahat. Two years na kami next year. She’s 22 and I’m 24.
Anong pini-pray mo sa 2017 para sa sarili mo?
Sana, isa pang break na mas malaki. Kasi after Juan dela Cruz medyo nag-lie low. After that, support-support na lang. I know in God’s time darating din yun, hindi naman nawawala yung blessings. Next year kung mabibigyan pa ng opportunity, sana maging bida na. Kung hindi man, sana yung mas magandang role.
Anong ibang role ang gusto mong gawin?
Action o kontrabida. Kasi tapos na ako sa comedy `e doon sa Juan dela Cruz. Next year marami akong movies at halos first time ko pa ginawa. Maraming aabangan sa akin sa 2017.
Anong title ng movie n’yo ni Liza at Enrique?
“My Ex and Why’s.” Dapat may shooting nga pala ako ngayon pero nag-begged off lang ako kasi matagal na ito naka-book sa akin ni Ms. Aida Patana `tong show ko sa Cebu. Sabi ko bawi na lang ako. Two weeks ago nag-Korea sila. Aside from LizQuen, kasama rin namin sina Ryan Bang, Karen Reyes and I think… Sharon Cuneta.
Anong gift mo sa sarili mo ngayong Pasko?
Wala akong gift kasi I’m more on charity works `e. Mas happy akong nakakatulong sa mga institutions. Kagaya ngayon, nagbebenta kami ng raffle tickets at yung proceeds ang binibigay namin sa mga beneficiaries, such as the home for the aged and the orphanage. Ang wish ko is sana I’ll be able to share more and touch more lives because for me that’s the real essence of Christmas— sharing happiness.