MRCriminals nakalusot na naman sa mga MRCops?

NITONG nakaraang linggo, tatlong insidente ng shooting at robbery/holdup ang nangyari sa Pampanga at Tarlac.

Ang mga ito ay kagagawan na naman ng tinaguriang Motorcycle Riding Criminals na kung saan dalawang katao ang kanilang napatay sa bayan ng Candaba, Pampanga.

Tumira din ang mga MRCriminals sa Bamban, Tarlac na kung saan isang negosyanteng babae ang kanilang hinoldap at binaril at nasugatan.

Magkasunod na araw ang shootng incidents sa Candaba, ang unang binaril at napatay ay si Luvino Velunio, 47, residente ng Barangay Bahay Pare.

Si Velunio ay naglalakad noon sa nasabing barangay ng biglang barilin ng MR Criminals. Hindi na inabot na buhay si Velunio sa Mercelo Hospital sa Baliuag, Bulacan.

Mabilis umiskapo ang dalawang gunmen sakay ng isang skeletal motrocycle patungong Bulacan.

Samantalang si Demetrio Lajom ng Barangay Tenejero sa bayan ng Candaba ay nakatayo malapit sa kanilang simbahan ng lapitan ng apat na gunmen sakay ng dalawang motorsiklo.

Apat na beses itong binaril sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan at mabilis din dinala sa Sagrada Hospital sa Baliuag, Bulacan ngunit ideklara din patay na nang dalhin ito sa ospital.

Magkasunod na araw ang nangyaring shooting incidents sa Candaba at walang pa rin suspek nahuhuli ang hepe ng nabanggit na bayan.

Noong Biernes, isang businesswoman ang nasugatan nang barilin ito at nakawan ng MRCriminals sa Barangay Anupul, Bamban, Tarlac.

Matapos makuha ng mga suspek ang bag ng biktima na may laman na P100,000 ay tumakas ang mga ito sakay ng isang Suzuki motorcycle.

Tatlong crime incidents ang nangyari noong nakaraang lingo at ang mga ito ay kagagawan ng MRCriminals.

Sa nangyaring two shooting incidents sa Candaba, inatasan ni Senior Superintendent Manuel Gaerlan, Officer-In-Charge ng Pampanga police provincial office ang lahat ng hepe ng lalawigan mag-deploy ng kani-kanilang pulis lalo na iyong MRCops upang magpatrolya sa kanilang area of jurisdiction.

Kung maaari gawin 24/7 ng mga hepe ang pagpapatrolya sa kani-kanilang nasasakupan bayan upang maibsan ang pagsalakay ng mga MRCriminals.

Sa kabila ng pagdeploy noong nakaraang linggo ng MRCops nakukuha pa rin makalusot ang mga MRCriminals? Nagtatanong lang po….

Binabati ng Dateline sa kanyang kaarawan kahapon (Sunday) si Chief Superintendent Wendy Rosario, deputy regional director for administration. Sir Happy Birthday and more power sir…

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph