KUNG mayroon na-relieved na mga PNP personnel ng Criminal Investigation and Detection Team (Pampanga) dahil sa mga nakumpiskang mga high-powered firearms sa ginangawang pagsalakay ng CIDG Camp Crame at dahil umano sa recycle of shabu.
Ganoon din ang nangyarin sa miyembro ng Pampanga Anti-Illegal Drug Special Task Group (PAIDSOTG) na kung saan dalawang police commissioned officer (PCO) at 12 pang ibang Non-police-commissioned officer na di-umano nadawit sa recycle of shabu.
Ilan police officer sa Camp Olivas binagsagan nilang Dirty Dozen ang mga umano nasangkot sa tawag nilang Agaw Bato.
Noong nakaraang Lunes (Marso 3), ni-relieved ni Chief Superintendent Raul Petrasanta, Police Regional Office-3 (PRO3) director, sina Superintendent Rodney Balayo, Senior Inspector Joven De Guzman, at mga SPO1s Jules Maniago, Donald Roque, Ronald Santos, Rommel Vital, Alcidor Tinio, Dante Dizon, Eligio Valeroso at PO3s Dindo Dizon, Gilbert De Vera, Romeo Guerrero at PO2 Anthony Lacsamana at PO2 Jerome Bugarin (miyembro ng Mexico Police).
Si Balayo ay kasalukusayan nasa "schooling" ng Officer Senior Executive Course (OSEC) para sa "promotion" at dating chief ng Pampanga Intelligence Branch ng Pampanga Police.
Sang-ayon kay Petrasanta sina De Guzman at 11 isa nitong tauhan maging iyong isang pulis ng Mexico police ay isinailalim sa 90-day preventive suspension.
Samantalang si Balayo ay sasampahan ng administrative case dahil sa policy ng PNP na "command responsibility" dahil nasa ilalim ng huli ang PAIDSOTG, pahayag pa ni Petrasanta.
Matatandaan ini-report ng PAIDSOTG nagsagawa sila ng buy-bust operation sa Lakeshore sa Mexico at doon nakakumpiska ang grupo ng 36.681 kilos ng shabu sa bahay na nirerentahan ni Ding Wenkun o Mr. Lee isang Chinese national. Ang nasabing nakumpiskang shabu ay nagkakahalaga ng P186 milyon. Isang pinaka-malaking "accomplishment" ito ng PAIDSOTG.
Nguni't nagkaroon umano "linkage" na kung saan nagkaroon umano iregularidad sa nasabing "big accomplishment"ng PAIDSOTG kaya naman hindi nagdalawang isip si Petrasanta na magpasagawa ng imbestigasyon.
Sa ginawang imbestigasyon ng Regional Intelligence Division, noong Nobiyembre 29 10 armadong naka-civilian attire sakay ng isang Hyudia Sta Fe at Nissan Uvan pinamumunuan ni De Guzman sinalakay ang nirerentahan bahay ni Mr. Lee at sa ilang sandal ay lumabas kaagad ng nasabing subdivision dala umano ang dalawang luggage bag at isang medium vault at di kasama si Mr. Lee.
Ang dalawang luggage bag at ang medium vault ay hindi umano isinama sa report ng PAIDSOTG at ang "certification" ng mga nakumpiskang mga goods ay nilagdaan ng Nobiyembre 30, 2013 na kung saan ito'y isang maliwanag na paglabag sa "standard operating procedure sa anti-illegal drugs operation, ayon pa kay Petrasanta.
At si Mr. Lee ay nakatakas sa nasabing pagsalakay sa pamamagitan pag-akyat sa likod bakod ng kanyang bahay at tumakbo ito patungong Barangay Nueva Victoria, Mexico. Ito'y taliwas sa report ng PADSOTG, ayon pa kay Petrasanta.
Kasalukuyan sina De Guzman at kanyang mga tauhan ay nasa "Holding Area" sa Regional Service Company sa loob ng Camp Olivas at araw-araw ay nagrereport ang mga ito kay Senior Superintendent Jerry Sumbad naka-uniporme.
Isang big accomplishment sana ng PAIDSOTG ang ginawa ng grupo buy-bust operation nito sa Lakeshore nguni't naging kontrobersyal ito at nagkaroon ng iregularidad. Sayang na Sayang ang nasabing "big-accomplishment." Di po ba......
Maging ang "Image ng PNP" ay nasira dahil sa ginawang iregularidad ng PAIDSOTG at maging ang nangyaring pagsalakay ng Criminal Investigation and Detection Group ng Camp Crame at pag-relieved sa buong personnel ng CIDT Pampanga Office sa Barangay Pampang, Angeles City, kamakailan, dahil din sa iregularidad......