Sapnu: Chief PNP Ricardo Marquez masaya

“Masaya ako itong araw na ito.”

Ito ang ipinagmalaking ipinahayag ni Chief PNP Director General Ricardo Marquez sa kanyang mensahe sa 114th Police Service Anniversary na ginanap sa parade ground sa Police Regional Office-3 (PRO3).

Si Marquez ang guest of honor and speaker sa ginanap noong Martes Police Service Anniversary.

Sang-ayon sa kanya kahit sa panaginip hindi nito akalain na makakabalik siya sa PRO3 bilang Chief PNP.

Kaya naman malaki ang pasasalamat nito sa PRO3 police officers sa naging resulta ng SOP Lambat-Sibat na kanyang pinamuan noong siya pang Directorate for Operations ng PNP National Headquarters, Camp Crame, Quezon City.

Nagsimula ang dialogo nito sa PRO3 personnel noong Enero na kung saan tuwing araw ng Miyerkules dumarating siya sa Camp Olivas sa isang conference sa implementasyon ng Lambat-Sibat.

Kaya naman tuwing Miyerkules dumarating ang lahat ng mga provincial at city police director dahil sa pagpupulong ng Lambat-Sibat na kung saan si Marquez ang mismong nagsasagawa ng “evaluation” sa kanilang accomplishments.

Sang-ayon kay Marquez hindi nasayang ang kanilang mga pagpupulong ukol sa implemantasyon ng Lambat-Sibat dahil ang Crime Index sa Central Luzon ay bumaba ng 30 porsiento. Ito’y dahil sa implemantasyon ng Lambat-Sibat.

Naging Number 1 ang PRO3 as a cite task group sa Lambat-Sibat, ayon pa kay Marquez.

Isang malaking tulong sa akin ang pagiging Number One ng PRO3 dahil isa din ito naging basehan ng aking pagiging Chief PNP, pahayag pa ni Marquez.

Kaya naman kayo (PRO3) ay aking pinasasalamatan na naging bahagi kayo sa aking posisyon, sang-ayon pa kay Marquez.

Si Marquez ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’82 at naging Provincial Police Director ng Nueva Ecija noong 2010 hanggang 2013.

Sa kanyang panunungkulan sa Nueva Ecija Police naging peace and order ang naganap na eleksyon noon doon.

Bilang Chief PNP, nitong darating na eleksyon maaayos kaya Marquez? Nagtatanong lang po.

*****

Kabilang sa 798 na promote si SPO3 to SPO4 Darwin Mislang, at si PO3 Randy Barredo na-promote ito ng SPO1, samantalang si Senior Inspector Victor San Antonio na-promote bilang Chief Inspector.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph