Sapnu: Kampanya laban sa lumalalang motornapping

LUBHANG dumarami ang bilang ng mga motornapping incident sa Central Luzon.

Nitong nakaraang buwan, ilang motornapping ang naitatala sa mga lalawigan ng Pampanga, Angeles City, Tarlac, Nueva Ecija at Bulacan.

Hindi na mabilang ang mga nare-report na mga motornapping lalo na sa City of San Fernando, Angeles City at Tarlac.

Dumarami na ring ang naire-report na pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Nueva Ecija at Bulacan.

Sa pagtaas ng insidente ng motornapping sa Central Luzon, pina-report sa National Headquarters, Camp Crame, Quezon City noong nakaraang linggo si Senior Superintendent Ronald Llanera, Police Regional Office-Central Luzon deputy regional director for operation.

Sang-ayon kay Llanera kahit pa noon mayroon na rin narereport na motornapping rehiyon nguni’t mukhang lumala ang pagdami ng pagnanakaw sa mga motorcycle.

Kaya naman pagkatapos makipagpulong si Llanera sa National Headquarters, inatasan niya ang lahat ng mga Provincial at City police director sa Central Luzon na paigtingin ang kampanya laban sa motornapper.

Inatasan din ni Llanera magtayo ng mga Philippine National Police (PNP) Checkpoint ang mga provincial at city police director sa kanilang area of responsibility.

Nitong ilang araw makikita ninyo ang maraming PNP Checkpoint sa kahabaan ng national highway at maging sa strategic areas sa rehiyon.

Mahigpit ang utos ni Llanera sa mga Provincial at City Police director na kailangan maibsan ang lumalalang motornapping sa Central Luzon.

Binigyan ni Llanera ng dalawang buwan ang lahat ng mga Provincial at City police director upang mahinto o maibsan ang motornapping sa rehiyon.

Nanawagan naman si Llanera sa mga may-ari ng mga motorsiklo na huwag mag-iwan ng OR at CR sa kanilang motorcycle. Ikandado mabuti at huwag iwan ang susi ng motorsiklo upang hindi matangay kaagad ng mga motornapper.

Ang order ni Llanera sa lahat ng PNP Checkpoint, kapag walang OR at CR ang motorcycle kanilang nasisita, i-impound kaagad sa malapit na police station.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph