Sapnu: Mga PO1 nasasangkot sa mga robbery/holdup?

KARAMIHAN sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nasasangkot sa robbery/holdup ay pawang mayroon ranggong Police Officer-1.

Nito lang Lunes (July 28), dalawang PO1 ang nasangkot na naman sa isang robbery/holdup incident sa Marisol Subdivision, Angeles City.

Ang dalawang PO1 ay nakilalang sina Jeffrey Miranda at J-sie Velasco, pawang nakatalaga sa Angeles City Police.

Kasama umano ng dalawang PO1 ang dalawang napatay na suspek na sina Crisanto Francisco at Chris Neil Pineda, kapwa residente ng Northville, Barangay Cutud, Angeles City. Ang dalawa ay nakipag-barilan umano sa mga nagrespondeng operatiba ng Angeles City Police station matapos pasukin ang bahay ni Lito Tamayo, ng nabanggit na subdivision.

Ang dalawang PO1 ay inaresto dahil sila umano ang naging “look-out” ng dalawang napatay na suspek.

At kamakailan lang isang PO1 din ang inaresto dahil sa pangloloob sa bahay ni Nigel Witty y Martin, isang British national sa Porac.

Si PO1 John Paul Tanglao, miyembro ng Regional Public Safety and Battalion (RPSB) ay nakasuot pa ng PNP Athletic t-shirt at Goa pants nang pasukin nila ang bahay ng banyaga kasama ang tatlong iba pa. Ang tatlong kasama nito ay naaresto din ng mga operatiba.

Hindi lang itong tatlong PO1 na nabanggit ang nasangkot sa mga ibang iligal na Gawain. May ilan ding PO1 ang nasasangkot sa mga robbery/holdup at shooting incident.

Bakit kaya halos PO1 ang nasasangkot sa mga iligal gawain? Nagkukulang ba ang kanilang sahod para sa kanilang mga pamilya? Nagtatanong lang po…

Kung tutuusin ang laki ng take home ng mga PO1 kumpara sa ibang empleyado ng government. Trip lang ba nilang gumawa ng mga iligal na gawain dahil pulis sila kaya malakas ang kanilang loob? Nagtatanong lang po…

Sa recruitment, paano kaya nakakapasa ang mga aplikante sa isinasagawang Neuro test sa kanila? Nagtatanong lang po…

Kasi kung maaayos ang isinasagawang Nuero test ay hindi makakapasa ang ganitong mga PO1 di po ba?

Dapat higpitan ng PNP ang pag-screen sa mga aplikante sa PNP upang maiwasan na ang mga nasasangkot na PO1 sa mga iligal na gawain.

Sa kasalukuyan mayroon na naman recruitment ang PRO3, kaya dapat maging mahigpit ang kinauukulan sa pagkuha ng mga bagong recruit.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph