Sapnu: Pag-upo ni Yara naging kontrobersyal?

Published on

MARAMING nagulat na police officers sa biglaang pag-upo ni Senior Superintendent Antonio Yara bilang kapalit ni Senior Superintendent Manuel Cornel, Nueva Ecija police provincial director.

Noong Sabado ginanap ang patagong turn-over ceremony sa Police Regional Office-3 (PRO3) headquarters, ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline.

Hindi umano pinag-sabi o ikinalat ang pagpalit sa puwesto ang nasabing turn-over.

Maging ang ilang staff officers hindi rin nila umano alam na magkakaroon ng turn-over ng araw na iyon.

Ilang police officers ang nagsabi na talagang hindi raw nila alam ang nasabing turn-over.

Ilang mga kasamahan natin sa pamamahayag na taga Nueva Ecija ang nagtext sa ingyong lingkod kung bakit biglaan ang turn-over.

Ang sabi pa sa text, bakit daw si Yara ang inupong bagong Officer-In-Charge ng Nueva Ecija police provincial office e mayroon umano itong kontrobersyal sa kanyang pinanggalingan? Nagtatanong lang po sila…

Bakit patago umano ang ginawang turn-over? Mayroon ba tinatago? Nagtatanong lang po sila...

Sang-ayon sa IO, maging si Cornel ay nagulat umano sa biglaang turn-over dahil ang alam niya ay sa January pa ito gaganapin.

Umabot naman sa isang taon at kalahati ang termino ni Cornel bilang provincial director ng Nueva Ecija.

Hindi rin malaman kung bakit biglang ni-relieve si Cornel sa kanyang puwesto? Ito’y ba may kinalaman sa kampanya nito sa illegal drugs o politics? Nagtatanong lang po...

Sa mga bagong upong provincial directors sa Central Luzon, si Yara umano ang naging kontorbersyal? Bakit kaya? Nagtatanong lang po…

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph