Sapnu: PRO3 walang tanim Droga - Aquino

DAHIL sa dalawang aligasyon nagkaroon ng tanim ng droga sa bayan ng Bacolor at Mabalacat City, nagsagawa kaagad ng isang press conference si Chief Superintendent Aaron Aquino, Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Kanyang pinandigan na walang Tanim na Droga sa kanyang area of responsibility (Central Luzon).

Matindi nitong pinabulaan ang mga aligasyon ng mga di-umano naging biktima ng tanim droga.

Sa nangyari sa Bacolor, ni-relieved ni Aquino ang hepe dito ang tatlong miyembro ng Pampanga Drug Enforcement Unit.

Maging ang hepe ng Mabalacat City police at chief ng Mabalacat Drug Enforcment Unit ay kanya din ni-relieved.

Hindi naman dahil na relieved ang mga ito ay nagkaroon ng tanim droga.

Ito'y naging policy ng PNP kapag nagkaroon ng iigal aktibidades ay nere-relieved muna ang mga police officer upang masusi itong isasailalim sa imbestigasyon.

At upang hindi naman masabi ng mga nagreklamo na walang ginagawa ang PNP na walang ginawang aksyon ang organisasyon.

Sa nakaraang presscon, sa pinalabas sa CCTV, walang nangyaring tanim droga sa isang eatery sa Barangay Sta. Ines, Bacolor. Ito'y base sa pinakita sa CCTV.

Maging sa Mabalacat City wala pa rin malinaw na nagkaroon ng tanim droga.

Kaya naman ang pahayag ni Chief Superintendent Aquino Walang Tanim Droga sa Central Luzon.

Ang ginagawa ng PRO3 ay maigtingin ang kampanya nito sa illegal drugs at masugpo ito sa madaling panahon.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph