Sapnu: Stop texting - babala ni Corpus

MGA pulis mahilig magtex dapat hihinto na ninyo dahil mananagot kayo sa bagong upong Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director, Chief Superintendent Amador Corpus.

Sa kanyang makahulugan mensahe ni Corpus noong September 1, kanyang ipinahayag ang unang nitong policy na no texting while on duty.

Kanyang inatasan ang lahat ng mga Provincial at City police director tumupad sa kanyang unang Order (No Texting).

Sa kanyang obserbasyon, karamihan o halos lahat ng PNP personnel ay mahilig magtex kahit sa oras ng kanilang duty.

"Paano makikita ng isang pulis ang isang kriminal na dumaan sa kanyang harapan kung siya busy sa texting?," pahayag pa ni Corpus.

Ganito malimit makalusot ang mga kriminal dahil sa busy texting ng mga pulis, sang-ayon pa kay Corpus.

Kaya naman iyong araw na iyon ang unang Order ni Copus ay Stop Texting while on duty.

Kakasuhan ng karanpatan na kaso ang mga pulis na mahuhuli na busy texting sa oras ng kanilang trabaho, ayon pa sa bagong RD.

Sang-ayon kay Corpus hindi lang kaso ang aabutin ng mga pulis na mahuhuli kungdi sila’y itatalaga pa sa malayong assignment.

Isang police team ang magmo-monitor ang aking bubuo upang manghuli ng mga pulis busy texting sa oras ng trabaho nila, ayon pa sa kanya.

Hindi nagbibiro si Corpus sa kanyang kautusan, kaya mag-ingat kayo mga pulis na mahilig magtex sa oras ng trabaho dahil kayo ay maaaring kasuhan ni bagong RD.

Si Corpus ang pumalit kay Chief Superintendent Aaron Aquino na kung saan nakatakda itong magretiro nitong Septiembre 6.

Napag-aga ang assumption ni Corpus dahil biglaan din itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Aquino na maging Chief ng Philippine Drug Enforcement Agency.

***

Binabati ng Dateline si Marianne Sicat Curesma na isang registered medical technology matapos nitong nakapasa sa Medical Technology Licensure Examination noong Agosto 26 hanggang 27 nitong taon. Ang resulta board examination inilabas noong Agosto 31.

Si Marianne ay anak nina Noel at Gloria Curesma.

Sa iyo... Congrats!

Related Stories

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph