Sa unang araw ng Opening of Classes, umaabot sa 1,000 pulis ang idineploy sa iba't ibang paaralan sa Gitnang Luzon.
Sang-ayon kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Central Luzon police director, madaling araw pa lamang ng Lunes pinadeploy na nito ang mga pulis sa mga public at private schools sa rehiyon.
Ito'y aniya matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa unang araw ng kanilang klase.
Ang nasabing mga pulis ay nagbibigay ng "assistance" sa mga mag-aaral para matiyak ang kanlang kaligtasan.
Sa unang araw ng pasukan, nagtayo ng mga Police Assistance Desks sa mga iba't ibang paaralan.
Kasabay nito, inatasan ni Hidalgo ang lahat ng field police officers sa rehiyon na personal nilang bisitahin ang mga paaralan at maki-pagkoordinasyon sa mga school officers para maibsan ang illegal activities na posibleng gawin ng mga lawless elements.
Bukod sa pagdeploy ng mga pulis sa mga paaralan, nangasiwa din sa trapik ang mga pulis.
Wala naman iniulat na "untoward incidents" happened noong unang araw ng Opening of Classes, ayon kay Hidalgo.
**************************************
Chief PNP namigay ng "assistance"
Noong Sabado, personal na nagtungo sa Police Regional Office-3 si Chief PNP Gen. Rommel Marbil at namigay ng "assistance" sa mga PNP personnel sa Gitnang Luzon na apektado sa pagbaha noong bagyong Carina.
Unang pinuntahan ni Marbil ang Macabebe at Masantol police station na kung saan lubhang apektado ng bagyong nakaraan.
P10,000 ang ipinamigay ni Marbil sa bawat pulis beneficiaries sa Provincial Police Offices ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales at sa Regional Headquarters.
Bukod sa "assistance" namigay din ng mga gamot, anti-biotics at bitamina sa mga apektadong pulis ang Regional Medical Unit3.
Billing ng SFELAPCO masyadong mataas
Maraming mga kustomer ng SFELAPCO ang nagrereklamo na sa taas na "billing."
Sang-ayon sa kanila noong nakaraang buwan ng Mayo, medyo ok o mababa ang singil ng SFELAPCO subalit nitong Hunyo halos naging triple na ang "bill".
Kagaya ng Ingyong Likod, noong Mayo umabot lamang sa Php2,000 ang "bill" at noong Hunyo mahigit Php5,000.00.
Kung tutuusin ganoon din ang paggamit ng electricity at kung bakit bigla ito naging triple? Nagtatanong lang po...
Sabi nga ng mga kustomer ng SFELAPCO mas mabuti na siguro daw na magkaroon ng ibang electric plant sa lungsod...
Ito ang mabuti solusyon para bumaba ang singil ay magkaroon ng kakopetensya ang SFELAPCO?Di po ba?