12 drug pushers naaresto sa CL

12 drug pushers naaresto sa CL

Sa loob ng dalang linggong kampanya ng Police Regional Office-3 (PRO3) laban sa illegal drugs, umaabot na sa 12 drug personalities ang nahuli.

Sang-ayon kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., PRO3 director, tuloy-tuloy ang kampanya ng PNP laban sa illegal drugs.

Sisikapin ng PRO3 na ganap na mawala o mahinto ang operasyon ng illegal drugs sa rehiyon, ayon pa kay Hidalgo.

Nang maupo ako bilang PRO3 director, inatasan ko ang lahat ng Provincial at City police directors na kanilang ituloy ang kampanya ng illegal drugs.

Nitong Pebrero 9, dalawang female drug traders ang nasakote ng Angeles City police sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Amsic.

Sa operasyon, dalawang notorious na babaeng nagbebenta ng illegal drugs ang naaresto at aabot sa Php408,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa kanila.

Ang dalawa ay nakilala lamang sa alyas Jo at Mae at halos 60 gramo ng shabu ang nakumpiska sa kanila.

Noong Pebrero 12 at 13, aabot sa 10 drug pushers sa lalawigan ng Pampanga at Bataan, ayon kay Hidalgo.

Aabot sa Php788,000.00 halaga ng shabu ang nakupiska sa 10 drug pushers.

Hindi hihinto ang PRO3 sa kampanya laban sa illegal drugs, ayon p kay Hidalgo.

Abangan po kung kailan masusugpo ang illegal drurgs sa Central Luzon......

Kung di mo susubukan di mo malalaman

Ito ang mariin na ipinahayag ni dating PNP Chief General Oscar Albayalde sa isang "forum" ginanap sa Clark Freeport.

Noong nakaraang Huwebes (Feb. 8) naging guest ng Capampanga In Media Inc. (CAMI) si Albayalde.

Si Albayalde ay nakatakdang tumakbo para kongrista sa First District ng Pampanga at maaari din tumakbo alkalde ng Angeles City.

Sa kanyang pahayag, kanya pa tinitignan kung saan siya komportable kung sa pagka kongresita o alkalde.

Tanong ng isang miyembro ng CAMI, di mo ba alam general na malakas ang makakalaban mo???

Ang sagot ni Albayalde kung di mo susubukan di mo malalaman..

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph