163 iba't ibang uri ng kalibre mga baril nakumpiska?

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on: 

Sa dalawang linggong lamang pagkakaupo ni Brig. Gen. Redrico Maranan bilang Police Regional Office-3 (PRO3) director marami na itong mga accomplishments.

Noong Oktobre 2, umaabot sa 7 Most Wanted Persons sa Gitnang Luzon ang naaresto sa kampanya PRO3.

Maging iyong pagsumite ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidato ay naging Peace and Orderly, ayon sa report ni Maranan na kung saan nagdeploy ito ng 4,000 na mga pulis sa mga opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa rehiyon.

Sa isinagawang buy-bust operation noong Oktobre 3 sa City of San Fernando na kung saan isang kalibre .9mm, tatlong granada, dalawang kalibre .38 rebolber at mga bala ang nakumpiska sa dalawang drug pushers.

Subalit noong Oktobre 3, isang Provincial League of Barangays President nakikilang si Ramilito Capistrano at ng kanyang drayber ang pinagbabaril ng mga suspek sa Barangay Ligas, Malolos City. Hanggang ngayon wala pang nahuhuling mga suspek. Kaagad naman bumuo ng Special Investigation Task Group "Capistrano" si Brig. Gen. Maranan.

At nitong Oktobre 6, umaabot sa 37 iba't ibang kalibre na mga baril ang nakumpiska sa Central Luzon bilang sa masigasig na kampanya ng PRO3 sa loose firearms.

Umaabot naman sa Php1.9 milyon halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng PRO3 sa mga naarestong drug personalities sa rehiyon noong Oktobre 7.

Noong Oktobre 8, dalawang drug pushers ang naaresto sa Olongapo City sa isinagawang buy-bust operation at 10 kilograms ang nakumpiska sa kanila na nagkakahalagang Php1.5 milyon.

Kasabay nito umaabot sa karagdagan 350 police officers ang ideneploy sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija at Pampanga para sa seguridad sa darating na eleksyon.

Sang-ayon kay Brig. Gen. Maranan walang "untoward incidents" nitong nakalipas pagsimuite ng COC sa iba't ibang lalawigan at lungsod a Central Luzon.

Umaabot naman sa 73 gramo ng shabu ang nakumpiska sa apat ng drug pushers sa Barangay Dapdap, Mabalacat City noong Oktobre 10.

At nitong Oktobre 10, umaabot sa 163 iba't ibang klase ng mga baril ang nakumpiska ng PRO3 sa loob ng isang linggo bilang kampanya nito sa "loose firearms" ayon pa kay Brig. Gen. Maranan.

Limang minor babae ang nailigtas ng mga operatiba sa kanilang isinagawang entrapment at rescue operation sa Angeles City. Isang suspek na sa Human Trafficking ang nahuli ng mga operatiba.

Ito lamang ang ilan sa mga mga "accomplishments" ni Brig Gen. Maranan simula nang maupo ito bilang PRO3 director noong Oktobre 1...

Congrats sir......Good Jobs Sir......

Balasahan sa mga Staffs sa pag-upo ni Brig. Gen. Maranan

Wala pang tatlong araw sa pag-upo ni BG. Maranan bilang PRO3 director, dalawa na ang napalitan na Staffs nito.

Si Brig. Gen. Benjamin Sembrano na dating Deputy Regional Director for Administration (DRDA) ay pinalitan kaagad ni Col. Jeffrey Decena. Siya ay dating Deputy Director for Administrations ng PNP Intelligence Group (IG) at dating Deputy Director for Operations ng PNP Intelligence Group (IG)

Si Sembrano ay natalaga sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Si Col. Diosdado Fabian, chief ng Regional Logistics and Research Development Division ay pinalitan ni Col. Roger Tomen...

Sino sino pa kaya ang tatamaan ng gagawin pagbalasa ni BG Maranan? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph