Simula nang maupo si Brig. Gen. Jean Fajardo sa kanyan posisyon bilang Police Regional Office-3 director noong Enero 3, nagkaroon na ng malawakang kampanya laban sa mga wanted persons sa rehiyon.
Sa kanyang report, umaabot sa 3,674 katao ang naaresto ng mga Provincial Police Offices sa Central Luzon.
Umaabot sa 783 Most Wanted Persons at 2,891 Wanted Persons ang nasakote ng mga Provincial Police Offices ng Pampanga, Tarlac, Bulacan, Nueva Ecija, Zambales, Aurora at lungsod ng Olongapo at Angeles.
Sa mga naaresto kabilang ang 35 na katao may kasong "murder," 155 rape case; 24 kasong robbery; 124 illegal drugs; at 445 iba't ibang kaso, ayon sa report.
Sa bilang ng mga naarestong Wanted Persons ay nagpapahiwatig ang PRO3 na walang puwang ang mga ganitong kriminal sa Central Luzon.
Nagpapasalamat naman si BG. Fajardo sa kanyang mga Provincial at City police director sa masigasig, masipag at seryoso ng nilang kampanya laban sa mga wanted persons.
Binaril at napatay na Barangay Chairman
Nitong Lunes ng Umaga, isang Barangay Chairman ng Nueva Ecija ang binaril at napatay ng "riding-in-tandem."
Kalalabas lang sa isang paaralan nina Barangay Chairman ng Calipahan, Talavera Nueva Ecija ni Joel Damacio at kasama nitong bantay bayan nakilala lamang na "alyas Bay nang tambangan ito ng "riding-in-tanem."
Pinagbabaril ang mga ito ng gunmen na kung saan malubhang nasugatan si Damacio samantalang si Bay di naman malubhang tinamaan.
Kaagad isimugod sa ospital si Damacio nguni't binawiin din ng buhay habang ginagamot ito.
Si Bay na tinamaan sa hita at kamay ay nagpapagaling pa sa pagamutan.
Ayon sa report, ang dalawa ay galing sa isang eskuwelahan na kung saan nagsagawa ng Brigada Eskuwela nang tambangan ang mga ito.
Inatasan ni Brig. Gen. Jean Fajardo si Col. Ferdinand Germino, Nueva Ecija provincial director na magsagawa ng agarang imbestigasyon kung mayroon kaugnayan ito sa "politics."
Prime Water sa CSF
Hanggang sa kasalukuyan wala pa rin ginagawang aksyon ang Prime Water sa City of San Fernando.
Maraming konsumer ito na dumadaing o nagrereklamo sa mahinang daloy ng tubig sa kani-kanilang giripo.
Hindi pa iyan, medyo marumi na rin ang lumalabas na tubig ng Prime Water sa bawat kabahayan sa lungsod.
Buti pa raw noong nasa ilalim ng Local Government Unit (LGU) ang Water District maganda ang serbisyo nito at malakas ang daloy ng tubig sa kanilang giripo.
Bakit kaya naman isinailalim sa Prime Water ng CSF Water District? Nagtatanong lang po.
Sino po ba ang may "idea" nito? Nagtatanong lang po.
Gumising ka naman Prime Water na pag-aari ng pamilyang Villar.