All Saints' at All Souls' day "generally peaceful"

All Saints' at All Souls' day "generally peaceful"

Naging "generally peaceful" ang nangdaan na "All Saints' at All Souls' Day sa Central Luzon.

Ito ang ipinahayag ni Brig. Gen. Jose "Daboy" Hidalgo Jr., Police Regional Office-3 (PRO3) director, kasabay nito na pagsabi "no untoward incident" nangyari sa dalawang araw na selebrasyon.

Matatandaan Oktubre 30 pa lamang, mahigit 4,000 na PNP personnel ang idineploy ng PRO3 sa buong rehiyon.

Sa direktiba ni BG. Hidalgo, bawat private at public cemeteries sa pitong lalawigan at dalawang lungsod sa rehiyon, dalawa o mahigit pa ang itinalagang pulis sa mga sementeryo.

Ito'y bilang paghahanda sa pagdagsa ng libo-libong mga kababayan natin na magsisitungo sa mga sementeryo upang dalawin ang kanilang namayapa nilang mahal sa buhay, ayon pa kay Hidalgo.

At upang matiyak ng PRO3 na maging ligtas ang mga ito sa pagdalaw ng mga kababayan natin sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Naging mahigpit ang mga PNP personnel sa kanilang pag-inspeksyon sa mga pumapasok sa sementeryo na kung saan umaabot sa 32 mga patalim, 11 alak, anim na Karaoke at dalawang baraha ang kanilang nakumpiska.

Sang-ayon pa kay Hidalgo, tutulong din ang nasabing PNP personnel na mangasiwa sa daloy ng trapiko o mag-assist sa mga libo-libong motorista dadagsa sa North Luzon expressway at Subic-Clark Tarlac expressway na inaasahan magsisi-uwian sa Metro Manila nitong Nobiembre 3.

Ipinagmalaki din ni Hidalgo naging "generally peaceful and orderly " ang katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Central Luzon..

Congrats sir BG. Daboy Hidalgo.....

*******************************

Binabati ng Dateline ang bagong halal na si Aris David Barangay Captain ng Quebiawan....

Naging katunggali ni David ang dating naging Barangay Captain na si Nestor Reyes...Malaki ang lamang ni David sa dating Barangay Captain.

Si David ay naging Barangay Councilor bago ito humabol ng Barangay Captain....

Congrats Kapitan David...sana mapagserbisyuhan na walang alinglangan ang inyong residente....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph