Nitong nakaraang linggo, tatlong katao ang napatay at pitong ang nasugatan nang tambangan ng mga armadong lalaki sa kahabaan ng Barangay Capihan, San Rafael, Bulacan.
Ang mga napatay ay kinilalang sina Bryan Villafor, ang kanyang girlfriend na si Jam, at Isang Army soldier na si Jayvee Mariano.
Ang pitong nasugatan ay pasahero ng isang pampasahero jeepney, isang tricycle at isang kotse.
Ang mga ito ay tinamaan nang paputukan ng mga suspek ang mga biktima.
Sa report ng Bulacan police, sina Villaflor at Mariano ay namatay on the spot dahil sa malubhang tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan.
Samantalang si Jam naman ay namatay habang ginagamot sa isang ospital, ayon sa report.
Si Villaflor ay isang IT consultant at social media operator ni Victor Silverio, isang tumatakbong representante ng Bulacan 3rd district.
Sa report, ang mga biktima ay sakay ng isang Ford Everest na minamaneho ni Villaflor na kung saan binubuntutan ng isang Black SUV sa kahabaan ng Maharlika highway.
Pinaulanan ng bala ng mga armadong lalaki ang sasakyan ng mga biktima na naging dahilan na inihinto ang Ford Everest, ayon sa report.
Patuloy na pinaputukan ng mga suspek ang Ford Everest at tinamaan ang padaan na jeepney, tricycle at kotse.
Ang mga biktima ay galing sa bahay ni Rep. Lorna Silverio at patungo ng bayan ng Baliwag nang tambangan ang mga ito.
Hanggang sinusulat ang kolum na ito, wala pang nahuhuling mga suspek ang Bulacan police at hanggang ngayon ay inaalam pa ang motibo sa pamamaril.
Ito ang unang shooting incident sa Bulacan na kung saan isang "poll bet aide" ang napatay.
Ito ba ang simula sa Bulacan na kung saan nasa "area of concerned' ng Police Regional Office-3 (PRO3)? Nagtatanong lang po.
Di pa nagsisismula ang kampanya sa local elections mayroon nang nangyari karahasan sa Bulacan.