Sa pag-upo ni Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones bilang acting police director ng Police Regional Office-3 (PRO3), sinimulan nito ang pagbalasa sa mga Provincial at City police director.
Matatandaan noong Lunes (Hunyo 23) pinalitan ni BG. Penones si BG. Jean Fajardo na kung saan itinalaga naman bilang Comptrollership ng PNP sa Camp Crame.
Pag-upo pa lamang ni Penones, inupo niya kaagad si Col. Eugene Marcelo bilang bagong Pampanga Police Provincial Director. Si Marcelo ay naging Chief of Police ng City of San Fernando noon.
Si Col. Angel Garcillano ang bagong Bulacan Police Provincial Director at pinalitan nito si Col. Frank Estoro na halos wala pang anim na buwan nakaupo.
At nitong weekend naman si Col. Ritchie Claravall ang itinalaga ni BG. Penones na bagong Olongapo City Police Director. Pinalitan nito si Col. Charlie Umayam.
Bago na rin ang Nueva Ecija Police Provincial Director na si Col. Heryl Bruno. Pinalitan nito si Col. Ferdinand Germino.
Samantala nitong Lunes lamang kaagad din itinalaga ni BG. Penones si Col. Robert Petate bilang Aurora Police Provincial Director.
Inaasahan pa rin ang gagawin pagbalasa sa mga Provincial at City police director ni BG. Penones sa mga darating na araw, ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline.
Ang di pa naapektuhan sa pagbalasa ni BG. Penones ay ang Bataan, Tarlac, Zambales at ang Angeles City.
Sang-ayon sa IO, hindi magtatagal maaarin din palitan ni BG. Penones ang nasabing tatlong lalawigan at isang lungsod.
Maraming kasama mga Cols. si BG. Penones kaya naman inaasahan na sila ang iuupo nito sa mga Provincial at City police offices.
Abangan po natin.