Balasahan sa mga PRD inaasahan

Balasahan sa mga PRD inaasahan

Sa pag-upo ni Gen. Rommel Marbil bilang 30th PNP chief noong Abril 1, siyempre inaasahan ang kanyang gagawin pagbalasa sa mga Police Region Directors (PRDs).

Matatandaan noong Marso 31, si Lt. Gen. Emmanuel Peralta ang itinalaga noong Marso 31 bilang Officer-In-Charge ng PNP. Wala pang 24 oras ang pagka-OIC ni Peralta dahil biglang inuupo ni Pangulong Bong Bong Marcos si Gen. Rommel Marbil.

Mukhang na "April Fools Day" itong si Lt. Gen. Peralta di niya akalain na mangyayari ito sa kanya.

Isang "history o biro" ang nangyari sa ginagawa kay Peralta biro mo itinalaga siyang OIC tapos bigla itong tinanggal.

Dahil bago ang Chief PNP, nagkaroon kaagad ng Command Conference sa National Headquarters sa Camp Crame na kung saan dumalo ang lahat ng mga Police Regional Director.

Sa nasabing conference nagkaroon ng bulong bulungan kung sino sa mga PRDs ang papalitan ni Marbil.

Mga "bata" ni Gen. Marbil siyempre ang kanyang iuupo bilang Regional Police Offices kung baga mga "trusted" nito.

Inaasahan sa darating na buwan mayroon ng mga Police Regional Directors ang maaapektuhan sa pagbalasa...

Abangan ang gagawin pagbalasa ni Gen. Marbil sa kanyang mga Police Regional Directors.......

Itinayong Funeral parlor inireklamo???

Inireklamo ng mga residente ng Barangay Lourdes ang pagtatayo ng isang Funeral Parlor sa kanilang lugar.

Ilan mga residente nito ang nagproprotesta sa pagtatayo ng nasabing parlor sa kanilang barangay.

Dumulog daw sila sa kanilang Barangay Chairman pero wala itong ginawang aksyon ukol sa kanilang protesta.

Nasa kanto daw ito ng Tandang Sora Street kaya naman iyong mga mag-aaral na dumadaan doon ay natatakot.

Iyong iba daw istudyate iikot nalang sa likod upang di nila madaanan ang nasabing parlor.

Binigyan kaya ng Permit ng City of San Fernando Mayor Vilma Caluag ang pagtatayo ng nasabing parlor??? Nagtatanong lang po....

Alam ba ni Mayora Caluag na maraming residente na nagproprotesta sa pagtatayo ng isang parlor sa kanilang barangay??? Nagtatanong lang po....

Bakit walang ginawang aksyon ang Barangay Chairman ng Lourdes kahit na kontra ang kanyang mga ka-barangay??? Nagtatanong lang po...

Kaya nga binoto ka raw dahil inaasahan nila ang inyong katapataan sa pagseserbisyo.....

City of San Fernando government ano po ang gagawin ninyong aksyon sa reklamo ng mga residente ng Barangay Lourdes??? Nagtatanong lang pol sila sa agaran ninyong aksyon....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph