Banning of e-bikes, e-trikes, e-vehicles sa Pampanga?

Banning of e-bikes, e-trikes, e-vehicles sa Pampanga?
Published on

Sa Metro Manila ipapatupad na ang pagbabawal sa pangunahing kalsada ang mga e-bikes, e-trikes at e-vehicles.

Noong Miyerkules inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolsyon sa pagbabawal ng e-bikes, e-trikes, at e-vehicles ang pagbabawal ng pagdaan sa pangunahing kalsada.

Sang-ayon sa MMC, mahigpit na ipagbabawal ang pag-gamit ng nasabing electric bikes at e-vehicles, tricycles, kolong-kolong o kuliglig, at pedicabs sa mga major roads sa Manila.

Ipatutupad ang banning of e-bikes, e-trikes at e-vehicles simula nitong Abril, ayon sa MMC.

Ang mga mahuhuling dumadaan sa national roads ay pagmumultahin ng Php2,500.00. Kasama sa resolution ng MMC ang mga drayber nito ay dapat may mga lisensya.

Ang mga walang lisensya kapag nahuli ang mga ito, maaaring i-impound ang kanilang e-bike, e-trike o e-vehicle. At dapat rehistrado ito sa LTO.

Isang dahilan kaya ipagbabawal ng MMC ang mga ito dahil marami na silang ikasangkutan na aksidente at lalo na nagiging sanhi ng grabeng trapik.

Sa Pampanga kailan kaya plano ng Provincial Goverment ang Banning ng mga e-bike, e-trike at e-vehicle sa pangunahing kalsada sa lalawigan.

Kinakailangan ng magkaroon ng Resolution ang mga Pampanga Mayor ng isang "Resolution" sa pagbabawal ng mga e-bike, e-trike at e-vehicle na dumaan sa Mc Arthur highway at Jose Abad Santos Avenue dahil nagiging sanhi ang mga ito sa grabeng trapik sa lalawigan nararanasan ng mga motorista.

Sa City of San Fernando, parang kabuteng nagsulputan ang mga e-bike, e-trike at e-vehicle kung saan nagdudulot ang mga ito sa flow of traffic.

Karamihan ng mga ito ay ginagamit ng pampasahero at nakikipag-karera pa sila sa mga pampasaherong jeep at iba pang motorista.

Ang kaso pa nito, ang mga drayber ay "minor" at walang lisensya maging ang kanilang e-bikes, e-trike o e-vehicle hindi reshistrado sa LTO???

Kaya kapag naaksidente ang mga ito ay wala pananagutan ang drayber at ang may-ari ng e-vehicles.

Hihintay pa ba natin mga opisyales ng Pampanga Mayor's League na may mangyaring aksidente??? Nagtatanong lang po..

Hangga't maaga gumawa na kayong Resolution Banning to E-bikes, E-trikes at E-vehicles sa pangunahing kalsada sa Pampanga para maiwasan ang aksidente at grabeng trapik idinudulut ng mga ito.

Aabangan po namin ang agarang aksyon ninyo......Huwag na ninyo po hintayin may mangyaring sakuna sa kalsada kinasasangkutan ng mga E-Bike, E-Trike at E-Vehicle. Isama na rin ninyo po ang mga motorized tricycle na nakikipagkarera.....

JASHS Class Batch '70 54th Annual Reunion-Matagumpay

Naging matagumpay at masaya ang Jose Abad Santos High School (JASHS) Class '70 54th Reunion na ginanap sa Otel Pampanga noong Pebrero 24.

Si Engr. Danilo Galang ang Presidente ng JASHS '70 ng year 2020-2022 kaya naman naging masaya ang mga batch 70 sa kanyang ginawang magarbong Reunion.

Sa loob ng dalawang taon nitong termino bilang Presidente ng naging "very busy" person si Engr. Galang at tuloy-tuloy ang kanyang mga proyekto upang mapaganda at maging magarbo ang nasabing reunion.

Nagkaroon ng Games at papremyo sa mga sasali sa nasabing palaro.

Ang mga pa-rapol ni Engr. Galang ay mayroon Php1k para sa 20 katao, Php2k para sa 15, Php5k para sa 10, Php10k para sa 5 at ang major prize na Php20k... Nagparapol din ng isang 7 feet na refrigerator.

Halos umabot sa 130 ang dumalo sa JASHS '70 sa nasabing reunion at lahat ng mga ito ay nagkaroon din mabibibit na bigas at cash...

Sa lahat ng Board of Directors ng JASHS '70 year 2020-2023 at kay Presidente Engr. Danilo Galang....Congrats sa inyong lahat...

Sa 2023-2025 ang bagong halal na Presidente ng JASHS '70 ay si Isabelita Manalastas-Watanabe.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph