Banning of POGOs in Pampanga - Nanay

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu

Matapos ang kontrobersyal sa operasyon ng Philippine Offshore and Gaming Operators (POGO) lalo na sa isang "raid" na isinagawa ng mga otoridad sa isang compound sa Porac, Pampanga, kamakailan.

Sa isanagawang "raid" nadiskobre ang "illegal activities" ng mga POGOs at ilan Uniforme ng Sundalong Tsino ang narekober ng mga otoridad.

Ang nasabing raid ay inuugnay sa Bamban Porac POGOs ng mga otoridad.

Kamkailan sinuspendi na si Bamban Mayor Alice Guo dahil sa operasyon ng POGO firm sa kanyang nasasakupan.

At isa pa napag-alaman ng Senado na si Guo ay hindi Filipino.

Dahil sa nadiskubreng illegal activites sa Porac ng POGO firms kaagad gumawa ng aksyon ang Pampanga Provincial Goverment sa pamumuno ni Gobernador Dennis "Delta" Pineda.

Nag-isyu ng dalawang "memoranda" sa lahat alkalde sa lalawigan at sa PNP.

Sa pagpupulong ng Sangguniang Panlalawigan, ipinahayag ni Bise Gobernadora Lilia "Nanay" Pineda sa "banning" lahat ng POGOs sa lalawigan maliit man o malaki.

Sa second hearing na isinagawa sa Kapitolyo, sina Nanay at Provincial Board members laban sa POGOs sa bayan ng Porac.

Dumalo sa nasabing hearing ang mga representante ng Porac local government, PAGCOr, DSWD, DOLE, BFP, PNP, DOH, PAOCC, DENR, DILG, Pampanga Chamber of Commerce at kasama Pampanga Mayors League.

Si Bamban Mayor Alice Guo ay nasuspendi dahil sa di-umano kaugnayan nito sa POGOs operasyon sa kanyang bayan.

Bakit kaya ang Mayor ng Porac ay walang naging reakayon ang Provincial Government na kung saan POGOs operation sa kanyang area of responsibility??? Nagtatanong lang po.....

Promoted

Binabati ng Dateline si Major Raquel Pagnas sa kanyang pag-kapromote bilang Colonel noong Biernes.

Si Col. Pagnas ay dating nakatalaga sa Regional Community Affairs Division Group... Matagal nakasama ng Inyong Lingkod si Col. Pagnas dahil doon tayo naglalagi noon.

Halos umabot ng anim na taon natalaga si Col Pagnas sa RCADG sa Police Regional Office3 bago ito nalipat sa PCADG.

Gagawin ang "donning" nitong Martes sa Camp Crame...

Congrats Col. Pagnas...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph