Mag-ingat po ngayon papalapit ang Pasko dahil nandito na naman ang mga kawatan na kung saan tinagurian Basag Kotse gang.
Nitong nakaraang linggo, isang negosyante ang naging bitkima ng Basag Kotse gang. Sang-ayon sa inireport ni Marky Nicdao kanyang ipinarada ang kanyang SUV sa Barangay San Nicolas, City of San Fernando ng dakong 7:30 ng gabi.
Ang nasabing SUV ay nakaparada ilang metro lamang sa Community Police Action Center (COMPAC) ng nasabing barangay.
Ang negosyante Nicdao ay dumalo sa isang "prayer rally" at nang bumalik ito sa kanyang SUV ng dakong 10:30 gabi laking gulat nito na basag na ang isang window nito.
Ang kanyang bag na naglalaman ng cash at cellular phone ang natangay ng Basag Kotse gang.
Kaagad naman inireport ni Nicdao ang nangyari sa kanyang SUV sa COMPAC, nguni't ayon sa kanya wala umano ginawa aksyon ang mga "PNP duty officer noong gabing iyon.
Ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, ilan beses nagkaroon pangyayari Basag Kotse sa area ng COMPAC at hanggang sinusulat ito wala pang nahuhuli o ni isang suspek ang mga Pulis.
Pampanga Police Provincial Office (PPPO) ano po ang masasabi ninyo sa Basag Kotse gang sa inyon Area of Responsibility? Nagtatanong lang po...
Sa ilan dekada nagkokober ang Dateline sa Police Regional Office tuwing nalalapit na ang Pasko marami ng inirereport na mga "robbery, bulgary at Basag at Bukas kotse sa Pampanga.
Dapat din bigyan ng agarang aksyon ni Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., PRO3 director ang nasabing pangyayari.
Mayron kaya maaaresto o mahuhuli sa mga miyembro ng Basag Kotse gang..Iyan malaking katangungan.