Bawal na mga paputok -BG Hidalgo

Pinayuhan ni Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Police Regional Office-3 (PRO3) ang mga kababayan natin na huwag na sanang gumamit na malalakas na paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Mas maganda ang gumamit na pangpangingay at huwag ng gumamit na mga bawal na paputok, ayon pa kay Hidalgo.

Ang kabilang sa mga bawal na paputok ay ang Piccolo, Watusi, Giant Whistle Bomb, Giat Bawag, Large Judas Belt, Super Lolo/Thunder Lolo, Atomic Bomb, Atomic Big Triangulo, Pillbox, Boga, Kwiton, Goodbye Earth, Goodbye Bading, Hello Columbia, Coke-in-Can, Kabasi, Og, at iba pang walang lebel mga imported firecrackers.

Ang mga nasa listahan na bawal na paputok ay mahigpit na ipinagbabawal ng mga otoridad.

Nitong nakaraang Miyerkules personal na nag-inspeksyon si BG. Hidalgo sa bayan ng mga pagawaan na paputok sa Bocaue, Bulacan.

Kasama ni Hidalgo sa pag-inspeksyon si Col. Relly Arnedo, Bulacan police provincial director sa pag-iikot sa iba't ibang tindahan ng firecrackers sa naturang bayan.

Tinignan ni Hidalgo kung ang mga firecracker stores kung may "permit" and license na mag-operate.

Upang maiwasan ang "casualties" sa pagsalubong sa Bagong Taon, inihayag ni Hidalgo ang mga "Community Firecracker Zones" sa rehiyon.

Ang mga ito ay lalawigan ng Aurora-15; Bataan-3; Bulacan-61; Nueva Ecija-28; Pampanga-24; Tarlac-63; Zambales-40 at Angeles City-2.

Pinayuhan ni BG. Hidalgo ang publiko na huwang gumamit ng bawal na mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon para maiwasan ang "casualties."

**************************************

Bumabati ang Dateline na "Maligayang Pasko at Bagong Taon" sa Inyong Lahat.................

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph