BG. Maranan ang masuwerteng PRO3 director

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on

Sa tatlong kandidato para next PRO3 director, si Brig. Gen. Redrico Maranan ang pinakamaswerteng nakakuha sa puwesto ni Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr.

Nitong Martes, si Maranan ang napili ng Higher Philippine National Police (PNP) ang kapalit ni Hidalgo na kung saan isang simpleng turn-over ceremony na isinagawa PRO3 Patrol Hall sa Camp Olivas.

Mismong si Chief PNP Gen. Rommel Marbil ang mismong nagsagawa ng nasabing turn-over.

Matatandaan sa nakaraang Kolum ng Inyong Lingkod, tatlong Brig. Gens. ang kandidato posibleng maging next PRO3 director. Ang mga ito ay sina BGs sina Eleazar Mata ng PNP Drug Enforcement Group; Arnold Thomas Ibay ng District Director ng Manila Police; Ponce Rogelio Peniones Jr., ng PNP Deputy Director for Operations.

Sina Ibay at Peniones ang nakakalamang dahil sila ay natalaga sa Central Luzon. Si Ibay naging Pampanga Police Provincial Director samantalang si Peniones ay naging Zambales Police Provincial director.

Sa tatlong nabanggit na kandidato nasilat sila ni BG Maranan dahil mas malaki umano ito sa kinauukulan. Ang tatlong ay matunog na maging PRO3 director.

Sabi ng isang police officer sa Dateline, iyong mga matunog ay hindi iyon nagiging masuwerte. Sabi nga ng police officer ito raw malamit na mangyari.

Ang ehemplo nito sabi ng police officer, ang nangyari kay Brig. Westrimundo Obinque. Matatandaan na si Obinque ang inaasahan na mauupo bilang PRO3 director noong Pebrero 22, 2023 subalit nasilat ito ni Brig. Gen. Hidalgo.

Kaya ang kasabihan ng mga police officers, hanggang hindi pa nakakaupo di kapa "sure."

Si Maranan ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class '95 "Patnubay Class of 1995. Siya ang Director ng Quezon City Police District; Chief PNP-PIO at Deputy District Director Operations ng QCPD. Naging field officer ng Aviation Security Group; Police Regional Office-Calabarzon, Southern Police District; Cebu City Police at Police Regional Office-5.

WELCOME sir Brig. Gen. Redrico Maranan sa PRO3.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph