BG. Penones bagong PRO3 director

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on: 

Nitong Lunes, inupo na bilang Police Regional Office-3 (PRO3) director si Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones.

Pinalitan ni Penones si Brig. Gen. Jean Fajardo na itinalaga naman bagong Chief ng PNP Comptrollership sa National Headquarters sa Camp Crame.

Isang promotion ang ibinigay kay BG. Fajardo na kung saan halos 6 na buwan itong nagsilbing PRO3 director. Si Fajardo ang unang BG female na naupong bilang PRO3.

Siya din ang unang Female Police Officer nang maupo ito noon bilang Pampanga Police Provincial director. Si BG. Fajardo ng history sa PNP.

At nitong Hunyo 20, biglaan ang kanyang pagka-relieved na ikinatataka ng mga police officers sa kabila ng marami itong nagawang "big accomplishments."

Maging ang kanyang Pampanga Police Provincial director, Col. Jay Dimaandal ay na-relieved din noong Hunyo na kung saan naging maaayos ang pamamalakad nito at maraming "accomplishments."

Pati na nga ang hepe ni Col. Dimaandal na si Lt Col. Roy Calulot ay na-releved din sa kanyang puwesto noong araw iyon.

Iyong po tatlo ay sabaysabay na-relieved sa kanilang puwesto sa kabila nang kanilang magagandang "accomplishments" at naging "peace and order" ang nakaraang eleksyon. Bakit kaya sabay sabay silang pina-relieved ni Chief PNP Gen. Nicolas Torre III? Nagtatanong lang po.

Alam naman natin magkasanggang dikit sina Gen. Torre at BG. Fajardo. Ano kaya ang malaking kadahilanan sa ginawa ni Torre bakit pina-relieved nito si BG. Fajardo? Nagtatanong lang po.

Ano po ang palagay ninyo kung bakit sabay sabay na-relieved ang tatlong Police Officers?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph