Bomb Threat sa Pampanga

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on: 

Sunod sunod ang natanggap na Bomb Threat ng iba't ibang paaralan sa lalawigan ng Pampanga.

Noong Lunes, nagkaroon ng Bomb Threat sa Pampanga State of University (PSU) sa bayan ng Bacolor; Pampanga State of University sa bayan ng Mexico; Pampanga Colleges sa Macabebe; Holy Cross College sa Sta. Anan at Our Lady of Fatima University sa City of San Fernando.

Ang nasabing Bomb Threat ay di-umano nanggaling sa mensahe sa Social Media Accounts.

Nagbabala ang nagmensahe na sasabog umano ito ng dakong 1:00 p.m. at 6:00 p..m., ayo sa report ng Philippine National Police (PNP).

Wala naman naganap na pagsabog sa nasabing mga paaralan na kung saan lahat ng kanilang mga estudiante ay kanilang pina-uwi.

Ayon kay Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., Police Regional Office-3 (PRO3) director, kaagad naman sila nag-deploy ng mga PNP personnel at Bomb-Sniffing Dogs sa mga paaralan at wala naman natagpuan na bomba.

Sa pagsuspendi ng klase sa mga paaralan, maraming estudiante ang nagsireklamo dahil nahirapan silang sumakay sa pag-uwi.

Hanggang sinusulat ang Kolum nito hindi pa natutuklasan o kung sinong nag-post ng mensahe sa Social Media.

At noong Martes, nakatanggap din nasabing Bomb Threat ang National University sa Angeles City at University of Assumption sa City of San Fernando.

Kung inyo po matatandaan noong Agosto 14, unang Bomb Threat natanggap ng Pampanga State of University na kung saan araw ng Graduation Ceremony ng mga magsisitapos.

Nabulabog ang mga magtatapos maging ang kani-kanilang mga magulang. Ang saklap nito iyong handa nila para sa kanilang magtatapos na anak iyong araw na iyon ay kanila kinain.

Mahigit isang linggo bago natuloy ang Graduation Ceremony.

Inatasan naman ni Brig. Gen. Penones ang kanyang mga Provincial at City police director na maging "alerto" at mag-deploy ng ilang PNP personnel sa mga paaralan sa Pampanga.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph