Matatandaan bago maupo bilang director ng Police Regional Office-3 (PRO3) si Brig. Gen. Jean Fajardo, siya ang "spokesperson" ni Gen. Rommel Marbil.
Nang maupo si Brig. Gen. Fajardo sa PRO3, nanatili pa rin siya bilang "spokesperson" ni Gen. Marbil.
Kaya naman ang nangyayari tuloy ay "lagare" siya dahil kapag may "big news" si Marbil, si BG. Fajardo pa rin ang kanyang taga-pagsalita hanggang ngayon.
Biro mo kapag ipinatawag siya ni Gen. Marbil ay tatakbo kaagad siya sa Phil National Police Headquarters sa Camp Crame kahit na kailangan ito sa PRO3.
Kagaya lang ngayon sa mga "kidnapping incident", siya ang sumasagot sa mga katanungan ng Media Personalities sa Camp Crame.
Mukhang si BG. Fajardo ang pinag-kakatiwalahan ni Gen. Marbil pagdating sa "senstive issues" ng PNP, kaya naman "very busy" ito sa kanyang dalawang trabaho. Di po ba?
Kung minsan nga ilang oras lang inilalagi nito sa PRO3 headquarters kasi kapag ipinatawag ito ni Gen. Marbil, takbo kaagad ito sa PNP National Headquarters Camp Carme.
Opo ganito ka "very busy" ang aming PRO3 director at take note, siya pa lamang ang naging Regional Director na nakita ko na "lagare" sa kanyang dalawang trabaho.
Ang tanong wala nabang maisip o maaaring pagkatiwalaan ni Gen. Marbil na "spokesperson," nito? Nagtatanong lang po.
Maraming police officers ang hanga kay BG. Fajardo sa kanyang paglagare sa kanyang trabaho.
Maging ang Dateline ay hanga din sa kasipagan ni BG. Fajardo. Hindi siya nagrereklamo sa kanyang dalawang trabaho...
Mabuhay po kayo BG. Fajardo.
Sana ikaw ang mapili na susunod na maging Chief PNP.