CAMI Golf tournament matagumpay

Ric Sapnu
Ric Sapnu

Nitong nakaraang Biernes ginanap ang Golf Tournament ng Capampangan In Media Inc., umabot sa 30 golfers ang naglaro.

Nagsimula ang tournament ng 7:00 umaga na kung saan sina Chairman Arsenio Valdes ng Juan Nepomuceno (JDN) Realty at dating Floridablanca alkalde Tito Mendiola na "regular" players ang nagsagawa ng ceremonial Tee Off.

Ang Golf Tournament ay isinagawa sa Mimosa Golf Course sa Clark Freeport.

Si Kristian Michael Sade ang Grand Champion nitong taon na kung saan kada taon pag-tournament ng CAMI Clark Golf Cup.

Sa Class A; naging champion si Vincent Encarnacion; Class B; si Patricia Hizon ang champion; samantala sa Class C; si Joan Cruz ang champion.

Sina Jera Sison, Kerwin Ong at Mary Ann Martinez ang runner-up winners sa ginanap na Golf Tournament.

Nagpapasalamant ang CAMI sa mga naging Sponsors nitong 10th Golf Cup tournament kinabibilangan nina RASLAG Corporation (platinum); Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) (gold) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO-gold).

Naging Silver sponsors naman ang Prime Water, MERALCO; BPI; SM Investments Corp.; Mileage Aisa (CherryLune), Gcash at Vista Mall. Bronze sponsoers naman ang Filinvest; Clark Water; DBP and Chervron.

Ang ibang naging Sponsors ay sina Senior Citizens Party List; LIPAD; Senator Win Gatchalian; Roger Garcia, Hon. Boking Morales at dating Chief PNP Ret. Gen. Oscar Albayalde.

Ang CAMI ay isang non-profit organization na kinabibilangan ng mga "reputable" journalist nakabase sa Metro Manila at Metro Clak na sina Nonnie Pelayo (chairman); Vittorio "Vot" Vitug (president); Mer Layson (vice-president:; Robert Mananquil (president); Abel Cruz (treasurer) at Ric Sapnu (auditor).

Ang CAMI officers at members ay pinasasalamantan nito ang mga naging Sponsors nitong 10th Golf Cup Tournament at mga Golfers na naglalaro.

Maraming maraming salamant po sa inyong lahat......

POGO sa Bamban ano na nangyari

Maraming katanungan ang mga kababayan natin ukol sa isinagawang "raid" sa Zuan Yuan POGO compound sa Bamban, Tarlac.

Sa isinagawang "raid" noong Abril 8, ilan mga dayuan at Filipino ang inaresto ng mga awtoridad, ayon sa report.

Ilan vaults ang binuksan ng Raiding Team at mayroon din siyam na villa structures na mayroon isang Olympic swimming pool at 38 iba't ibang mamahalin behikulo ang kunumpiska noon.

Ang nasabing POGO ay sangkot umano sa human trafficking and ibang illegal acts, ayon sa report.

Umaabot naman sa Php2 milyon cash, crypto wallets; seed phrases; mobile phones at isang blacklist at 15 vaults ang nadisbre nitong Abril 11.

Mayron ba kaya kinalaman ang Local Government Unit's (LGUs) sa nasabing POGO operations??? Nagtatanong lang po...

Mariin naman itinanggi alkalder ng Bamban ang ikusasyon sa kanya....

Malaking katanungan po ang kung ano na talaga nangyari sa POGO raid sa Bamban.....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph