Chief PNP Gen. Acorda posibleng ma-extended

Chief PNP Gen. Acorda posibleng ma-extended
Published on

Hanggang kasalukuyang wala pa umano napipisil si Pangulong Bong-Bong Marcos Jr., na maaaring pumalit kay Chief PNP General Benjamin Acorda.

Ito ang lumalabas na "rumor" sa PNP Headquarters sa Camp Crame na kung saan maaari pa umano ma-extended si Gen. Acorda sa kanyang puwesto.

Matatandaan dapat noong nakaraang Disyembre 3, ang "mandatory" retirement ni Acorda nguni't pinalawig ni BBM ang kanyang panunungkulan bilang Chief PNP.

Halos mahigit na sa apat na buwan ang "extension" ni Acorda sa kanyang puwesto at ngayon ang bali-balita sa Camp Crame na magtatapos ang kanyan serbisyo sa March 27 o sa April 1.

Maraming kumakalat na "balita" sa Camp Crame ang siraan sa mga kandidatong Gen. na maaaring pumalit sa puwesto ni Acorda.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline maaari daw matiyak ni BBM na magiging "loyal" sa kanya ang papalit kay Acorda.

Kaya naman dahil alam ni BBM na "loyal" itong si Acorda sa kanya, maaari nitong palawigin ulit ang kanyang termino.

Kung sakaling di-maextended si Acorda apat na miyembro ng PMA Class '92 ang maaaring pumalit sa kanya.

Ang mga ito ay sina Maj. Gen. Ronald Lee ng Directorate for Operations; Maj. Gen. Mario Reyes ng Directorate for Logistics; Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez ng NCPRO chief; at Brig Gen. Mathew Baccay, Deputy Directorate for Personnel and Records Management.

Maaari din sina PMA Class ’92 sa personalidad ni Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco, ang hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management dahil t’yak may linya rin bunga sa na-assign ito sa PRO6 o Western Visayas.

Mayroon na umano nakatakdang Change of Command ceremony at Retirement Honors para kay Acorda at si BBM ang guest of honor, ayon sa source.

Kung walang mapipiling kapalit ni Acorda si BBM may posible daw ma-extended ulit siya....

Aba sobra-sobra na suwerte ni Acorda, e ang daming naman Maj. Gen. na maaaring pumalit sa kanya....

Abangan po natin kung palliligin pa ni BBM ang serbisyo ni Acorda......

Mga Traffic Enforcer ng CSF

Noong nakaraang linggo napasin ng Dateline ang ilang traffic enforcer ng City of San Fernando nakapuwesto sa mga establistamento.

Wala naman trapik sa mga establistamento at bakit doon sila ipipuwesto??? Nagtatanong lang po...

Ang ilan napansin ng Dateline iyong isang traffic enforcer nakapuwesto sa isang establistamento sa Dolores at wala naman nagiging sanhi ng trapik doon.

Iyong isa naman nakapuwesto sa isang establistamento sa San Agustin wala din nagdudulot na trapik doon kahit pumarada pa sa gilid ng kalsada ang mga behikulo.

Di pa magalang kung sumita ang traffic enforcer sa San Agustin at walang pakialam pa kung senior ang kausap niya.

Dapat i-seminar ang mga ito para hindi sila kung sino kung manita sa mga motorista??? Di po ba???

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph