Col. Jay Dimaandal, Pampanga Police director

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu

Matagal na dapat maupo bilang Police Provincial Provincial Office (PPPO) director si Col. Jay Dimaandal.

Noong pang Nobiyembre natalaga bilang PPPO director si Dimaandal nguni't di matuloy-tuloy dahil sa maraming kadahilanan.

Nobiyembre mayroon ng "Order" mula sa PNP National Headquarters sa Camp Crame na kung saan nagsasaad na si Col. Dimaandal ang napiling pumalit kay Col. Levi Hope Basilio.

Kaya naman nitong nakaraang Independence Day, isang simpleng turn-over ceremony ang ginanap sa Bale Katimawan sa PPPO headquarters.

Si Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Police Regional Office-3 (PRO3) director ang nag-officiate sa nasabing turn-over.

Di sumipot si Col. Basilio sa nasabing turn-over kaya maraming police officers ang nagtataka at nagtatanong kung bakit???

Matatandaan noong Lunes, ni-relived si Col. Basilio dahil umano sa sinalakay na mga otoridad na isang iligal operasyon ng Philippine Offshores Gaming Operation (POGO) sa Porac, Pampanga.

Sa nasabing raid, sinibak kaagad ang hepe ng Porac Police Station maging ang kanyang mga tauhan. Ang pagkakasibak ay dahil sa "neglect of duty." ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline.

At pagkatapos nasibak ang hepe ng Porac Police, sinunod si Col. Basilio dahil sa iligal na operasyon ng POGO. Di pa malinaw kung iyon lang ang dahilan sa pagkaka-relieved ni Basilio, ayon sa IO.

Kung inyong matatandaan, ang hepe ng Bamban Police sinibak din at maging ang 49 na tauhan nito. Ang tanong dito bakit ang Tarlac Police Provincial Director di siya sinunod na sinibak??? Nagtatanong lang po....

Si Dimaandal ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) at dating commander ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB3) at chief ng Regional Special Operation (RSOG).

Halos mahigit isang taon na si Col. Dimaandal sa dalawang nasabing tanggapan bago ito naupo bilang PPPO provincial director.

Binabati ng Dateline at partner nito si Bernard Galang ng People's Journal si PPPO provincial director Col. Jay Dimaandal.

Congrats sir Col. Dimaandal....Mabuhay sir.....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph