Dalawa na Colonels ang tinamaan ng pagbalasa may kasunod pa???

Dalawa na Colonels ang tinamaan ng pagbalasa may kasunod pa???

Matatandaan noong nakaraang linggo, sinibak na sa kanyang puwesto si Col. Carlito Grijaldo ng Olongapo City Police Director.

Si Col. Carlie Umayam ang pumalit sa kanyang puwesto. Dati nakatalaga si Umayam sa Police Regional Office-1 (PRO1) bago ito nalipat ng Police Regional Office-3 (PRO3)

Taga Region One si Umayam kaya naman siya ang itinalaga bilang City Police Director ng Olongapo...Huwag na kayong magtaka...di ba??

Si Brig. Gen. Jose Hidalgo PRO3 director ang dumalo sa nasabing turn-over.

At nitong Lunes (Jan. 22), papalitan na rin si Col. Erwin Sanque, Tarlac Police Provincial Director... Mahigit isang taon na rin sa kanyang puwesto si Sanque.

Si Col. Miguel De Guzman ang kapalit ni Sanque. Si De Guzman ay dating nakatalaga sa Camp Crame, Quezon City.

At nitong na linggo isa pang Police Provincial Director ang masisibak sa kanyang puwesto... Alam ba ninyo o kilala ninyo kung sinong susunod na masisibak sa kanyang puwesto.

Abangan na lang po natin......

Grabe trapik sa City of San Fernando

Matagal na rin ang nararanasan ng mga motorista ang grabeng trapik sa kahabaan ng Mc Arthur highway.

Nagsisimula ang trapik sa Barangay Del Carmen hanggang sa may St. Jude sa Barangay Dolores.

Nagiging reklamo ng mga motorista ang matagal na pagpalit ng Stop-Go ng trapik light. Isa daw itong nagiging sanhi ng trapik.

Simula naman sa Barangay San Isidro hanggang sa Barangay Dolores, grabe din ang trapik dito lalo na sa rush hours.

Isa pang dahilan ay ang pagsasa-ayos ng kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH3) sa Barangay Dolores na kung saan naging grabe ang sitwasyon ng trapik. Bukod pa sa "volume" ng sasakyan sa lungsod.

Naging sanhi din ng trapik ang mga naglipana mga motorized tricycle at lalo na mga E-vehicles na naging kalaban ng mga pampasaherong jeeps.

Karamihan pa naman ng mga ito ay walang mga driver's license at walang alam sa batas trapkiko..

Sino kaya ang maaaring sumita sa kanila??? Nagtatanong lang po....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph