Dalawang PDs pinalitan

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on: 

Mahigit isang buwan bago ang MidTerm elections sa Mayo 12, dalawang Provincial Police Directors ang pinalitan ni Brig. Gen. Jean Fajardo, Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Si Col. Marites Salvadora ang bagong Officer-In-Charge ng Bataan Police Provincial Office (BPPO).

Naupo si Salvadora noong Abril 3, at maraming police officers ang nagulat sa biglang pagbabago sa kanilang Provincial Director.

Sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO), pinalitan na din ang Director at si Col. Franklin Estoro ang naupo bilang Officer-In-Charge.

Pinalitan ni Salvadora si Col. Palmer Trias na halos dalawang taon ding naupong Provincial Director ng BPPO.

Hindi na mabilang ang kanyang "big accomplishments" simula nang maupo ito.

Kabilang sa kanyang "accomplishments" ay sa laban nito sa illegal drugs, pagresolba sa mga krimen at pag-surender ng mga rebelde sa kanyang area of responsibility.

Magagawa kaya ni OIC Col. Salvadora ang "big accomplishments" ni Col. Trias? Nagtatanong lang po.

Pinalitan naman ni Col. Estoro si Provincial Director ng BPPO na si Col. Satur Ediong.

Mayroon din "big accomplishments" simula nang maupo ito.

Sana mahigitan ni Col. Estoro ang "big accomplishments" ni Col. Ediong.

Biglaang ang naging palitan ng dalawang Provincial Directors na ikinagulat ng mga police officers.

Sina Trias at Ediong ay naupo bilang Provincial Directors noong si Brig. Gen. Jose Hidalgo ang PRO director.

Si Trias ang matagal naupo sa Bataan samantalang si Ediong ay halos ilan buwan pa lamang naupo.

Si Salvadora ay miyembro ng Philippine National Police Academi (PNPA) Class 2000 at si Estoro ay PNPA Class 2002.

Sina Salvadora at Estoro ay kapwa natalaga sa Regional Police Community Relations Affairs Division (R5).

Halos lahat ng mga police officers na natalaga sa R5 ay nagiging Provincial Directors.

Buti na lamang pumayag ang dalawang gobernador na nabanggit na lalawigan na palitan ang kanilang Provincial Director? Nagtatanong lang po.

Ano naman kaya ang dahilan ng PRO3 director sa biglaang pagpalit ng dalawang Provincial Directors.

May "Clearance" naman sa Commission on Elections (Comelec) ang pag-relieve at pagtatalaga ng bagong Provincial Director.

Binabati ng Dateline sina Cols. Salvadora at Estoro sa bagong nilang puwesto. Mabuhay po kayo.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph