Dalawang miyembro ng Pampanga Police ang inaresto noong nakaraang Miyerkules dahil sa kinasasakutan nilang krimen.
Ayon sa report ni Brig. Gen. Ponce Penones Jr., Police Regional Office-3 director, ang nasabing dalawang pulis sa Drug Enforcement Unit ng Pampanga.
Sa imbestigasyon, limang armadong lalaki nakasuot ng black jackets, bonnets at face masks ang sapilitan pinasok ang isang printing shop sa Barangay Tabun, Mabalacat City ng dakong 10:00 p.m.
Pagpasok sa nasabing establistamento, ang inabutan nilang mga biktima ay kanilang itinali ng "cable straps" at sinira ng mga suspek ang CCTV system, ayon kay Penones.
Sa report kaya pinasok ng mga suspek ang establistamento dahil sa umano kinasasangkutan ng mga biktima sa illegal drugs.
Tinangay ng mga suspek ang 9 assorted high-end smartphones sa kanilang pagtakas sakay ng isang Toyota Vios na walang plaka, ayon pa report.
Ang nasabing gate away car ng mga suspek ay natagpuan ng mga awtoridad sa Barangay San Vicente, Sacobia, Bamban, Tarlac.
Sa mga rekober na dokumneto ng mga awtoridad, ang nasabing kotse ay sa mga miyembro ng Pampanga Drug Enfocement Unit ng Pampanga Police Provincial Office.
Dahil sa mga dokumento, inaresto ang dalawang pulis at ibinalik ang mga ninakaw nila sa mga biktima.
Sang-ayon kay Penones ang dalawang pulis ay kanila ng simpahan ng kasong "robbery with intimidation at attempted kidnapping sa Office of Prosecutor, Mabalacat City sa pamamagitan ng online inquest proceedings kay Fiscal Frederick Lagrada.
Sa ginawa ng dalawang pulis nasira na naman ang "image ng PNP." Di po ba?
Kailan kaya matatapos ang ganitong gawain ng ilan sa mga PNP personnel? Nagtatanong lang po.
Matatandaan mahigit isang buwan pa lamang nakaupo si Col. Eugene Marcelo bilang acting provincial director Pampanga Police Office ay nangyari ng kinasasakutan ng kanyang mga personnel.
Ano kaya ang gagawin aksyon ni Col. Marcelo? Nagtatanong lang po.