Matatandaan na noong araw ang Senior Officer's Placement and Promotion Board (SOPPB) ang nasusunod sa paglalagay sa mga PNP officers sa mga sensitibong puwesto sa PNP.
Ang SOPPB ang nag-eevaluate sa mga PNP officers na talagang "qualified" sila sa magagandang posisyon.
Pinag-aaralan ng SOPPB kung ang isang Police Officers ay karapat dapat sa mga sensitibong posisyon sa PNP.
Sa tagal ng nagkokober ang Dateline sa Police Regional Office-3 (PRO3) noong panahon ng mga nakaraang naging Chief PNP, ang ginagawa nila ay dinadaan sa SOPPB ang mga police officers na iuupo sa mga sensitibong puwesto.
Noong araw din ang mga lahat ng PNP officers ang kanilang promotion ay dumadaan sa SOPPB hindi kagaya noon.
Nguni't sa panahon ngayon, hindi na ito nasusunod ang SOPPBdahil nag-iba ang ihip ng hanging sa PNP.
Ang mga PNP officers na nabibigyan ng magagandang puwesto ngayon ay hindi na dumadaan sa SOPPB sa halip nagkakaroon umano ng magandang usapan sa higher up ng PNP.
Ang umiiral ngayon kung malakas ka sa Chief PNP mabibigyan ka ng magandang puwesto.
Iyong iba naman Police Officers maghahanap ng LGU's na malakas kay Chief PNP para mabigyan ito ng magandang puwesto.
Sang-ayon sa mga police officers nakausap ng Inyong Lingkod, dapat lamang ibalit sa SOPPB ang pagbigigay ng magandang "assignment" at maging sa promotion.
Sabi nga nila (police officers) ibalik sana SOPPB ang pagpili sa mga Senior Police Officers at hindi sa magagandang usapan???
Wala pa rin malawakang pagbalasa ginagawa si Chief PNP General Rommel Marbil sa mga Police Regional Offices....hanggang ngayon bakit kaya??? Nagtatanong lang po....