Dial 911 at sa loob ng 5 minuto nandyan na kami

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on: 

Sa panayan kahapon sa isang TV program kay Chief PNP Gen. Nicolas Torre III, inihayag nito na mabilis na ang pagresponde ng kanyang mga pulis.

"Dial 911 at sa loob ng 5 minuto nandyan na kami," ito ang binItawan na salita ni Gen. Torre.

Kanyang pinagmamalaki ang PNP ay mabilis na makapagresponde sa anumang sakuna o paghingi ng tulong ng atin mga kababayan.

Ilang police chiefs sa Metro Manila ang sinampulan ni Gen. Torre dahil hindi makapagresponde ng 5 minuto ang kanyang mga PNP personnel.

Walong Police Chiefs ang sinabak nito sa puwesto dahil sa "5-minute response time to crime and emegency calls," ayon sa report.

Kabilang sa mga sinibak na mga police chiefs ay ang Police Makati City; Paranaque; San Juan; Marikina; Mandaluyong,; Valenzuela; Navotas at Caloocan.

Matatandaan inihayag ni Gen. Torre noong Hunyo 4 ang pagpapatupad na 5 minutong "police response time to 911 calls within Metro Manila."

Ang panawagan ni Gen. Torre ay ibinaba na rin sa mga Police Regional Police Offices sa bansa. Inatasan ni Gen. Torre ang lahat ng Police Regional Directors sa agarang pagpapatupad ng "5-minute response."

Sa Central Luzon police, sino sino kayang mga Provincial Directors o police chiefs ang masasampulan sa "5-minute response," ni Chief PNP? Nagtatanong lang po.

Kaya naman kaya ang mga pulis natin sa Central Luzon ang "5-minute response? Nagtatanong lang po.

Magiging epektibo kaya ang "Dial 911" ni Gen. Torre? Nagtatanong lang po.

Abangan po natin ang kung magagawa ng PNP sa Central Luzon ang "5-minute response."

ACMFC binuwag?

Noong nakaraang Linggo, binuwag ni Col. Joselito Villarosa Jr., Angeles City Police director ang Angeles City Mobile Force Company (ACMFC).

Umaabot sa 104 na PNP personnel ang kabuan tauhan ng ACMFC at kanyang itinalaga sa anim na police stations sa lungsod.

Nababahala ngayon ang "business sector" sa lungsod dahil sa pagbuwag sa ACMFC na kung saan sila umano ang nasanay sa anti-terrorist, hostage taking at iba pang "emergency calls.."

ACMFC ang magaling sa anumang "serious incidents" dahil sila ang tinaguriang Special Weapon Action Team (SWAT) kung baga sila ang sinanay ng PNP.

Ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, maging ang Tourist Police Unit at Traffic Enforcement Unit, binuwag din ni Col. Villarosa. Ang mga ito ay idedeploy para "police visibility" sa lungsod.

Ang tanong ng "business sector" sa Angeles City police director, bakit naman niya binuwag ang ACMFC samantalang ito ang epektibo mga pulis sa anumang crime response? Nagtatanong lang po.

Kung tutuusin wala naman sa "order" ng Police Regional Office-3 ang pagbuwag sa ACMFC.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph