DPWH3 sinisira ang maayos na mga kalsada

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on

Simula noong nakaraang buwan, maraming ginagawang kalsada ang Department of Public Works and Highways (DPWH3) sa kahabaan ng Mc Arthur highway.

Ang ginagawa ng DPWH3 sa ngayon ay iyong mga kalsada na maaayos pa naman at samantalang iyong lubak lubak na ay wala lang sa kanila.

Unang ginawa ng DPWH3 na maayos na kalsada simula nitong nakaraan buwan ay iyong Mc Arthur highay simula sa St. Jude hanggang sa establistamento ng Servitech.

Ang ginawa na maayos na kalsada sa kanan bahagi ng McArthur highay kung patungo ka sa Angeles City.

Subalit iyong kaliwang kalsada kung papunta ka sa Angeles City ay lubhang malalim na lubak at hindi ginawa ng DPWH3?

Kung alin ang sirang kalsada na dapat ayusin ng DPWH3 ay hindi pinapansin ng namumuno ng DPWH3? Bakit po sir? Nagtatanong lang po...

Itong buwan naman ang ginagawa ng DPWH3 ay ang maaayos na kalsada kanan mula sa may Calcutta hospital hanggang sa Barangay Del Rosario sa may Traffic Light. Ang siste sisirain muna nila tapos aayusin.

Kaya naman ang sunod sunod na ginagawa ng DPWH3 sobrang grabeng trapik ang ginawa ng ahensya.

Iyon naman simula sa Barangay Maimpis na kalsada (both sides) na maayos pa rin ang sinisira ng DPWH3 at tapos gagawin ito.

Ang resulta grabeng grabeng trapik ang nararanasan ng mga motorista hanggang ngayon.....Maraming din lubak lubak sa kanilang sinira maayos na kalsada at hindi pa natatapos hanggang ngayon.

Noong isang araw napansin ng Dateline ang kanan bahagi kalsada ng Mc Arthur highway simula sa St. Jude patunong Intersection Dolores grabe ang lalim ng mga lubak.

Magsisimula ang grabeng lubak lalo na malamit ang ulan

Sobra mamalalim na lubak dito DPWH3 iyon ang dapat ayusin hindi iyong maayos ang inyong sinira tapos gagawin.

Ano po ang ginagawa ng inyong ahensya? Nagtatanong lang po.

Karamihan ng mga motorista ay nagrereklamo na sa inyo Mr. DPWH3 kung bakit daw ang mga maaayos na kalsada ang iyong ginagawa samantalang ang sirang sira kalsadsa "wala lang sa inyo." Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph