Robberies sa CSF laganap?

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on

Nitong buwan na ito, dalawang insidente ng "burglary" sa City of San Fernando.

Ito ang ipinahayag ni dating CSF vice-mayor Jimmy Lazatin sa Sun Star Pampanga na kung saan ilan na umano ang nai-report na insidente sa kahabaan ng Consunji Street na malapit lamang sa City Hall.

Sang-ayon sa pahayag ni Lazatin, marami na umano mga tindahan sa nasabing street ang nagigng biktima ng "burglary" ng mga kawatan.

Sang-ayon pa kay dating bise alkalde nababahala na ang mga "locators" at "investors" ang sunod sunod na "robberies" sa lungsod na baka sila na ang susunod na magiging biktima ng mga kawatan.

Ang mga naging biktima na mga kawatan ay nagsara ng kanilang tindahan at hindi na bumalik, pahayag pa ni Lazatin.

Ayon sa nakuhang reports ni Lazatin ang "robberies" ay nag-umpisa pa noong Peb. 13, 2021 na kung saan ang isang dental clinic ay nilimas ang kagamitan. At noong Dec. 27 2021 tinali ng mga kawatan ang mga empleyado ng isang establistamento, nilimas ang mga kagamitan, mga cellphones at ATM cards.

At nitong Agosto 1, 2024, isang robber ang pinasok ang kanilang fourth floor quarters nguni't dahil nagising si Lazatin hindi nagtagumpay ang kawatan.

Kasunod na mga sunod sunod na "robberies" sa CSF, isang malawakang "Mobile Patrol" ang ipinakalat ni Col. Jay Dimaandal, Pampanga Police Provincial Director.

Lalo na sa madaling araw, patuloy ang pagpapatrolya ng PNP Pampanga sa lungsod, ayon pa kay Dimaandal.

Mukha yata sinusubukan ng mga lawless elements si Col. Dimaandal na kailan pa lamang umupo bilang Provincial Director.

Abangan po natin ang agarang aksyon ni Col. Dimaandal sa mga sunod sunod na "burglary" na isinawalat ni bise alkalde.

Ano namna kaya ang reaksyon ni CSF Mayor Vilma Caluag? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph