Handa na ang PRO3 sa Undas

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on: 

Nakahanda na ang Police Regional Office3 (PRO3) nitong Undas.

Ito ang ipinahayag ni Brig. Gen. Jess Mendez, PRO3 director na kung saan simula bukas Oct 30 magdedeploy ito ng PNP personnel sa mga sementeryo sa Central Luzon.

Ayon kay BG Mendez aabot sa 13,497 mga pulis kasama ang force multipliers ang itatalaga sa mga sementeryo.

Ito'y upang matiyak ang safe at orderly nitong Undas 2026, ayon pa kay Mendez.

Aabot sa 501 mga sementeryo, 175 memorial parks at 12 columbania sa rehiyon ang babantayan ng mga pulis kasama ang force multipliers, pahayag pa ni Mendez.

Halos 7,991 na mga pulis ang idedeploy mula Oktubre 30 hanggang Nobiembre 3, ayon pa sakanya.

Magtatayo din ng mga 614 police asdistance desks sa mga strategic areas upang i-assist ang publiko, dagdag pa ni BG Mendez.

Sa inaasahan pagdagsa ng mga motorista sa pangunahing kalsada lalo ang North Luzon Expressway NLEx), Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at Tarlac Pangasinan Expressway (TEPLEX) magdedeploy din ng mga pulis upang mag-assist.

Magdedeploy ng mga pulis sa mga terminal at mga iba pang lugar sa rehiyon na kung saan dadagsa ang mga kababayan natin at matiyak ang kaligtasan nila, pahayag pa ni BG Mendez.

Magtatalaga din ang PRO3 na dalawa hangang tatlong pulis sa bawat sementeryo sa rehiyon.

Inaasan ni BG. Mendez na magiging tahimik at maayos ang UNDAS 2026.

Traffic light sa St. Jude dapat may traffic enforcers

Nanawagan ang mga motorista kay Chief L.Celemente ng City Public Order and Safety Coordination Office (CPOSCO) na magtalaga ito ng Traffic Enforcer sa Traffic light sa may St. Jude, Barangay Dolores.

Maraming motorista na matitigas ang ulo o mga kamote na kung saan hinahabol pa nilang makatawid kahit na Yellow light.

At kung kalimitan ay Red na ang Traffic light humahabol pa rin ang mga kamoteng drayber.

Kaya ang nangyayangri nagkakatrapik tuloy dahil ang ibang motorista nasa gitna pa ng Traffic light.

Kapag binusinahan mo pa ang motoristang naghahabol, sila pa ang galit.

Diba nila alam na maling-mali ang ginawa nila.

Maging iyong mga passenger buses at trailer na paliko sa traffic light ay tuloy pa rin ang mga ito kahit RED LIGHT na.

Kailangan pa ba natin magkaroon ng aksidente sa Traffic Light, Mr. Clemente.

Abangan ng Dateline ang agarang aksyon.