Inaasahan pagbalasa ng mga PDs/CDs

Inaasahan pagbalasa ng mga PDs/CDs

Inumpishan na ang pagbalasa sa mga Police Provincial at City Police

Directors nitong Enero.

Unang tinamaan ng pagbalasa si Col. Carlito Grijaldo ng Olongapo Ctiy police director. Halos umabot ng dalawang taon nagserbisyo si Grijaldo sa Olongapo City.

At nitong nakaraang linggo, inuupo bilang Officer-In-Charge si Col. Charlie Umayam ng Olongapo City Police. Si Umayam ay galing sa Police Regional Office-1.

Isang turn-over ceremony ang isinagawa noong Enero 12 sa pagitan nina Cols. Grijaldo at Umayam at si Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Police Regional Office-3 (PRO3) ang personal nagsagawa sa nasabing seremonya.

Si Umayam ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2000 at siya ang dating Chief ng PRO1 Regional Operations Plans Division bago ito nalipat sa Olongapo City Police.

Maraming "Big Accomplishments" si Umayam bilang Chief ng PRO1 ROPD..

Walang duda na maitatalaga si Umayam sa Olongapo City Police dahil itong Ilocano....Siyempre dahil taga Ilocos si Pangulong BBM siya ang napiling ipalit kay Grijaldo ng PNP Higher Up...

Congrats Col. Charlie Umayam sana umabot din kayo ng dalawang taon ang ilalagi ninyo sa Olongapo City Police.

Mayroon pang ibang Provincial Director ang mayroon ng dalawang taon sa kanilang puwesto....Siya o sila na dapat palitan para naman mapagbigyan ang maraming Colonels??? Di po ba???

Maging iyong mga Provincial at City police directors na walang magandang accomplishments dapat na rin palitan??? Di po ba..

Maraming Colonels na "more qualified" maging Police Provincial at City Police Directors...Di po ba....

PRO3 bumaba ang Crime Rate

Maganda ang naging "accomplishment" ng PRO3 dahil napababa nito ang Crime Rate sa Central Luzon.

Sang-ayon kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., PRO3 director, umabot sa 4.46 porsiento bumaba ang Crime Rate sa rehiyon.

Sa record ng PRO3 noong nakaraang taon bumaba ng 1,791 mga kaso ng krimen na nasa 4.46 porsiento ito samantalang noong 2022 nasa 40, 155 na naireport na mga kaso,

Ito ang ipinagmalaki ni Hidalgo sa kanyang sa 10 buwan nito bilang PRO3 director.

Dahil sa mahigpit na kampanya ng PRO3 laban sa krimen bumaba ang mga kaso.

Sana tuloy tuloy na bumaba ang Crime Rate sa rehiyon...

Congrats BG. Daboy Hidalgo Jr.,

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph