Nitong Huwebes ng gabi isang board member ng Bulacan at drayber nito ang nasawi matapos tambangan ito ng unidentified gunmen.
Sa report ng Bulacan Police ang mga biktima ay nakilalang sina Ramil Capistrano, ABC president ng Bulacan at kasalukuyang Barangay Captain ng Caingin ng San Rafael, Bulacan at drayber na si Shedrick Suarez.
Ang mga biktima ay pauwi ng gabi ng Huwebes nang tambangan ang mga ito sa kahabaan ng service road sa Barangay Ligas, Malolos City.
Sang-ayon sa police report, ang board member ay dumalo sa isang session sa Bulacan at pauwi sakay ng isang Mitsubishi Montero habang binabagtas ang nasabing barangay sila'y tinambangan.
Dahil sa tama ng bala sa kanilang katawan namatay kaagad ang mga ito, ayon sa report.
Tatlong basyo ng bala ng "unknown caliber" ang narekober sa pinangyarihan ng insidente, ayon pa rin sa report.
Kaagad naman bumuo ng isang Special Investigation Task Group (SITG) "Capistrano" si Brig. Gen. Redrico Maranan, Police Regional Office-3 director na kung saan pinamumunuan ni Col Satur Ediong.
Kasunod nito "kinondena" ni BG Maranan ang nasabing ambush slaying kay Board Member.
Matatandaan nitong nakaraang Martes (Oct. 1) lamang naupo bilang PRO3 director si BG. Maranan at nagkaroon kaagad na shooting incident sa kanyang area of responsibility.
Ito'y ba ang magandang pasalubong kay BG. Maranan? Nagtatanong lang po.
Halos tatlong araw pa lamang nauupo si BG. Maranan nagkaroon ng isang government official na namatay sa kanyang AOR? Nagtatanong lang po.