Sa isang kolum ng Inyong Lingkod, binanggit po natin ang isang police officer ang kakasuhan ng sexual harrassment.
Nitong nakaraang ilang araw, napag-alaman ng ating Intelligence Officer (IO) na isang Police Major ang kakasuhan ng sexual harrassment.
Itong Major isang Policewoman ang kanyang ginawan umano ng acts of lasciviousnes nitong Agosto 11.
Sang-ayon sa IO, di lang isang Policewoman ang kanyang ginawan ng "sexual harrassment" kungdi isa din estudiante.. Di nagsampa ng kaso ang nasabing estudiante.
Sa nakuhang report ng IO, isinama ng Major ang nasabing Policewoman sakay ng kanyang pribadong behikulo patungo sa Guagua detention facility nguni't nang pabalik na sila sa Bacolor Police Station biglang hinawakan ang katawan ng biktima.
Isang kasong "acts of lasciviousnes" ang isinampang kaso sa nasabing Major. Dahil dito inilipat si Major sa Angeles City Police na kung saan dati na rin siyang natalaga dito.
Sang-ayon sa IO, kahit noong nakatalaga si Major sa Angeles City Police, dalawang Policewoman ang ginawan umano ng hindi kanaisnais.
Hindi nagsampa ng kaso ang dalawang Policewoman dahil nagawan ng paraan ng ibang mga police officers ng Angeles City Police.
Ano kaya ang aksyon gagawin ni RD sa ganitong Police Officer para di na ito pamarisan??? Nagtatanong lang po...
Abangan po natin ang aksyon ni RD......