Lalong pinaigting ng Police Regional Office-3 (PRO3) ang kampanya laban sa "loose firearms."
Simula nitong Enero 10 hanggang Pebrero 8, umaabot na sa 46 iba't ibang klaseng kalibre ng mga baril ang nakumpiska sa mga lalawigan at siyudad sa Gitnang Luzon, ayon kay Brig. Gen. Jean Fajardo, PRO3 director.
Ang pinaigting na kampanya sa mga illegal firearms ay bahagi ng nalalapit na 2025 Elections sa bansa, ayon pa kay BG. Fajardo.
Nakumpiska ng PRO3 ang mga baril sa sunod sunod na search warrants na ipinatupad, ayon pa kay RD.
Nasa 39 search warrants ang kanilang sa iba't ibang lalawigan at lungsod sa Gitnang Luzon ang ipinatupad.
Nangunguna ang lalawigan ng Nueva Ecija sa bilang ng mga nakumpiskang baril, ayon kay BG. Fajardo.
Ang kampanya ng PRO3 laban sa mga "looose firearms" ay para sa "peaceful, orderly" ang Midterm Elections.
Congrats BG. Fajardo sa inyong kampanya laban sa mga "loose firearms."
2,329 PRO3 PNP personnel na-promote
Nitong nakaraang linggo, umaabot sa 2,329 mga pulis ng PRO3 ang na-promote ng one rank higher.
Si Fajardo ang personal na nanguna sa "donning at pinning" ng ranggo sa mga police officers.
Umaabot sa 51 bagong "newly promoted" Police Commissioned Officers (PCOs) at 2,278 naman ang Police Non-Commissioned Officers (PNCOs).
Kabilang sa "promoted one rank higher" PNCOs sa ranggong PEMS sina Jewelle Rivera na nakatalaga sa Regional Public Information Office (RPIO); PMSG Queenly Torrecampo; PEMS Reggie Gonzales nakatalaga sa Regional Director Office; PEMS Mylene Mendoza at sina PMEMS Lloyd Ganay; Charo Santos; at Rona Prado.
Sa lahat ng mga "promoted police officers" binabati kayo ng Dateline Olivas. Mabuhay kayong lahat.