Kauna-unahang babae na naging CL police director

SunStar Sapnu
SunStar Sapnu
Published on: 

Bago ang Monday Flag Rising ceremony, masayang sinalubong ng Central Luzon PNP personnel ang pagdating ni Brigadier General Jean Fajardo bilang bagong Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Eksaktong ika-7 ng umaga nang dumating si Fajardo mula sa Metro Manila na kung saan diretso itong nagtungo sa PRO3 headquarters parade ground.

Nagkaroon ng simpleng seremonya nguni't walang naganap na turnover dahil Biernes pa lamang ay umalis na si Brigadier General Redrico Maranan at nagtungo na sa kanyang bagong destino sa Region 7.

At siyempre, ang lahat ng staff officers at mga provincial at city police directors ay sinalubong ang bagong PRO3 director.

Ito ang SOP kapag bago ang PRO3 director, lahat ng mga provincial at city police directors ay nagpapakita.

Pagkatapos nang flag ceremony, isang madaliang press conference ang isinagawa sa lobby ng main building ng PRO3 headquarters. Lahat ng katanungan kay Fajardo ay kanyang sinagot ng maayos at malinaw.

Sa tagal ng panahon na pagkokober ang Dateline, natatandaan ko na naging personnel si Fajaro noong termino ni Brigadier General Edgar Ladao.

Naging chief of police si Fajardo noon sa Lubao Police Station at City of San Fernando.

Naging Pampanga Police provincial director din siya at ang kauna-nahang lady director ng pulis sa probinsya.

Si Fajardo ay gumawa ng "history" sa PRO3 dahil siya ang unang lady regional director.

Binabati po kayo ng Dateline sa inyong pagkakatalaga bilang PRO3 director.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.

Videos

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph