Hindi na nahinto ang usapin sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firm at kung sino sino na ang nadadawit na mga opisyales dito.
Matandaan nagsimula ang pagsalakay sa mga POGO firm sa Bamban Tarlac at isinagawang mga inbestigasyon lumitaw sa Senado mayroon umano kinalaman ang alkalde dito na si Alice Gou.
Kung ano ano na ang lumitaw na mga iligal na gawain ng POGO sa nasasakupan ni Bamban Mayor at maging ang kanyang Nationality.
Lumitaw sa imbestigasyon si Alice Guo ay isang Chinese national, ayon sa imbestigasyon ng Senado. Kaya naman nasuspende ito.
Maraming haharapin na mga kaso si Alice Guo dahil sa POGO sa kanyang bayan at maging sa pagkakakonektado umano nito sa sinalakay isang South Lucky 99 POGO compound sa Porac, Pampanga.
Matatandaan sinalakay kamakailan ng mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang Lucky 99 dahil sa di-umano human trafficing, torture, prostitution at money scams.
Maging si Porac Mayor Jaime Capil ay pinatawag ng Senado upang imbestigahan ito kung mayroon umano kinalaman sa pagbibgay ng Permit sa operasyon ng POGO sa kanyang nasasakupan.
Nguni't lumilitaw sa imbestigasyon ng mga otoridad na nag-isyu ng Permit si Capil mula 2019 to 2023 batay sa municipal council resolution.
Sang-ayon sa imbestigasyon maaari din masuspende si Mayor ng Porac sa maraming kadahilanan.
Ang tanong ngayon....sino sino kayang mga opisyales ang konektado sa mga POGO firms sa Bamban at Porac??? Nagtatanong lang po...
Ang mga Local Government Units (LGUs) may pananagutan sa mga iligal na operasyon ng POGO??? Nagtatanong lang po....
Imposible naman na hindi umano alam ng mga LGUs ang nangyayari sa kanilang nasasakupan??? Nagtatanong lang po..
Milyon milyon piso ang kinikita ng mga POGO firm na maaaring magamit sa eleksyon??? Nagtatanong lang po..
Bagong Motorcycles ibinigay sa Pampanga Police
Kamakailan umaabot sa 53 bagong motorcycles na Kawasaki Pulsar ang ibinigay ni Gubernador Dennis Pineda sa Pampanga Police Provincial Office (PPPO).
Sa isang turn-over ceremony ibinigay ni Delta ang simbolic key kay PPPO director Col. Jay Dimaandal.
Ang pagbibigay ng mga motorcycles ay upang lalong pa-igtingin ng Pampanga Police ang kanilang kampanyan sa Peace and Order sa lalawigan.
Dapat pahalagaan ng mga PNP personnel ang nasabing mga bagong motorcycle at huwag "bara bara" kung gamitin ang ma ito.
Baka sa loob lamang ng anim na buwan sira sira na ang mga ito. Nagtatanong lang po...