LEGROOM AND LEADERSHIP

SunStar Soto
SunStar Soto
Published on: 

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng reklamo tungkol sa “legroom”. O hindi pala ganoon kasimple?

Nang ibahagi ni Cardinal Pablo Virgilio David sa kaniyang FB account ang kaniyang karanasan sa isang biyahe sa Philippine Airlines, marami ang nakarelate. Sa panahon ngayon, tila normal na lamang na magkandaugaga ang mga pasahero sa paghahanap ng kaunting espasyong maiiunat ang kanilang mga paa. For taller passengers, senior citizens, and people living with physical conditions such as osteoarthritis, what is merely inconvenient for some can become genuinely painful for others.

There was nothing unreasonable about Cardinal Pablo Virgilio David's complaint. In fact, many Filipinos would probably nod in agreement. Airline cabins have become tighter. Amenities once taken for granted are now sold as upgrades. Comfort, it seems, has gradually migrated from the category of expectation into the category of privilege.

Ngunit ang naging sentro ng usapan ay hindi ang pananakit ng kaniyang tuhod. It was not solely about the discomfort the Cardinal experienced. Ang naging sentro ng usapan ay ang kanyang tanong: Has PAL's "Heart of the Filipino" become a little less compassionate toward the Filipino passenger?

Dito pumasok ang reaksiyon ni Fr. Norman Gutierrez Vitug, isang acclaimed author at pari sa Roman Catholic Archdiocese of San Fernando, Pampanga.

Sa isang mahinahon ngunit matalim na pahayag, kinilala ni Fr. Vitug ang karapatan ng kardinal na magreklamo at magtanong tungkol sa seating arrangements at safety concerns. Ngunit para sa kanya, tila masyadong malayo ang lundag mula sa isang hindi komportableng biyahe tungo sa pagdududa sa mismong pagkakakilanlan o diwa ng isang airline.

At dito nagiging mas malalim ang usapin. Because this is no longer about seats but about judgment.

Madaling sabihin na dahil masikip ang upuan, wala nang malasakit ang airline. Madaling isipin na dahil nagkaroon tayo ng masamang karanasan, may mas malalim nang problema sa institusyong sangkot. Social media rewards these leaps. Mabilis ang galit. Mabilis ang konklusyon. Mabilis ang paglalagay ng “moral label” sa isang tao o organisasyon. Pero ang katotohanan ay hindi palaging ganoon kadiretso.

A bad experience can reveal a systemic problem. It can also be exactly what it is: a bad experience. The evidence for the first requires more than a single story.

To be clear, hindi ito tungkol sa pagtatanggol sa Philippine Airlines. If airlines have indeed sacrificed passenger comfort in pursuit of greater profits, then they deserve scrutiny. Consumers have every right to demand accountability. Corporations are not exempt from criticism simply because they are iconic brands. Ngunit may kaibahan ang pagtatanong at paghatol, kagaya na lang ng tono sa pahayag na, "How disheartening".

Ang una ay naghahanap ng sagot. Ang ikalawa ay nagdedeklara ng hatol bago pa man makumpleto ang paglilitis. Ito marahil ang puntong gustong idiin ni Fr. Norman Gutierrez Vitug.

Sa kanyang pagbasa, maaaring makatuwiran ang reklamo, ngunit hindi awtomatikong makatuwiran ang mas malawak na konklusyon. The fact that a flight was uncomfortable does not necessarily prove that an airline has lost its compassion. The fact that a passenger suffered discomfort does not automatically establish institutional indifference.

Sa kabilang banda, may mahalagang paalala rin ang isinasaad ng post ng kardinal. Slogans create expectations. Kapag ipinakilala mo ang sarili bilang "The Heart of the Filipino," hindi mo lamang ibinebenta ang transportasyon. You are selling an idea. You are promising a particular kind of service, a particular kind of concern, a particular kind of relationship with your passengers. The higher the promise, the higher the scrutiny.

At marahil iyan ang dahilan kung bakit naging mabigat ang kanyang tanong. Hindi ito usapin ng ilang pulgadang legroom lamang. It is about whether corporate branding still matches customer experience.

Sa totoo lang, hindi kailangang maghanap ng bayani at kontrabida sa kuwentong ito. Hindi kailangang piliin kung sino ang paniniwalaan. The cardinal raises a legitimate concern about passenger comfort and corporate responsibility. Father Vitug raises an equally legitimate concern about fairness, proportion, and evidence. Both concerns deserve to be heard.

Sa isang panahon na tila bawat opinyon ay kailangang maging digmaan, may halaga pa rin ang mga hindi pagkakasundo na nananatiling sibil, matino, at nakatuon sa ideya sa halip na sa personalidad. Hindi kailangan ng sigawan upang magkaroon ng makabuluhang diskurso. (I've learned this lesson in a very painful and poignant way.)

After all, the real issue is not whether one passenger found a seat uncomfortable but how quickly we move from experience to conclusion, from grievance to judgment, and from criticism to condemnation.

At kung may leksiyon mang mapupulot dito, marahil ito iyon: Ang puso ng isang institusyon ay hindi nasusukat sa isang slogan. Ngunit hindi rin ito nasusukat sa isang biyahe lamang.