Nang manalasa ang bagyong "Crising" sa Gitnang Luzon, kaagad inilunsad ni Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones, Police Regional Office-3 (PRO3) director ang "Libreng Sakay."
Ang Libreng Sakay ay para sa mga kababayan natin na "stranded" sa iba't ibang lalawigan sa rehiyon dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha, ayon kay Penones.
Inatasan din nin BG. Penones ang lahat ng mga Provincial at City police offices na magsagawa ng Libreng Sakay sa mga communters o passengers particular sa mga mag-aaral inabotan ng biglang pagbaha.
Hinimok ni Penones ang lahat ng police units na tulungan ang lahat ng ating mga kababayan na stranded at ihatid sa kani-kanilang mga barangay o tahanan upang matiyak na ligtas ang mga ito.
Maraming police vehicles o police patrols ang ideneploy upang tulungan ang mga kababayan natin na-stranded at ihatid sa kanilang "destination."
Bukod sa Libreng Sakay, nagdeploy din ang PRO3 na police patrols sa mga apektadong lugar para sa "police visibility" upang walang "lawless elements" na magsasamantala sa sitwasyon at magsagawa ng kanilang illegal operations.
Sa mga sunod sunod na bagyo, tumulong din ang PRO3 sa paghahatid ng relief operations sa mga apektadong flood victims.
Tumulong ang PRO3 sa pagrepake ng food packs, paghatid at pamamahagi nito sa iba't ibang lalawigan na lubhang na-apektuhan ng pagbaha.
Mabuhay po kayo sir BG. Penones sa agarang pagtulong ninyo sa mga kababayan natin sa Gitnang Luzon.
PRO3 nagdeploy ng 2,700 pulis
Noong ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bong-Bong" Marcos Jr., umaabot sa 2,700 na mga pulis ang ideneploy sa Batasan Pambansa Complex.
Linggo pa lamang ay pinadeploy na ni Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., PRO3 director ang nasabing bilang ng mga pulis para "augmentation."
Ang nasabing bilang ng mga pulis idedeploy ay manggagaling sa mga Provincial at City police offices sa rehiyon.