Magkakaroon na raw balasahan sa mga RDs

Ric Sapnu
Ric Sapnu

Nalalapit na umano'y ang gagawin malawakang balasahan sa mga Police Regional Offices ni Chief PNP General Rommel Marbil.

Matatandaan unang ginawa ni Marbil ang pagbalasa sa mga Maj General sa National Headquarters sa Camp Crame.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline sa Police Regional Office3 (PRO3) mayroon daw kandidato para pumalit kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr.

Sina Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., at Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay.

Si Brig. Gen. Ibay ay kasalukuyang Manila Police District (MPD) director at si Penones ay naka assigned sa Northern Police Didtrict (NPD) director.

Si Penones ang naging Zambales Police Provincial Director samantalang si Ibay ay dating naging Pampanga Police Provincial Director.

Kaya kung sino man sa dalawa ang mauupo bilang next PRO3 director kabisado na nila ang rehiyon.

Sang-ayon sa IO, maaari naman umabot hanggang Hunyo si Hidalgo dahil marami itong "big accomplishments."

Abangan na po natin kung sino at kailan ang resuffle sa PRO3....

Water Refilling Station at Laundromat

Bukod sa mga Coffee Station at Barbers Station itinayo ni Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., PRO3 director.

Noong Lunes isang Water Refilling at Laundromat Stations ang itinayo ni Hidalgo.

Talagang maalaga si Hidalgo sa mga PNP personnel nito, ayon sa mga police officers nakausap ng Dateline.

Ibang iba daw si Hidalgo sa lahat naging PRO3 director dahil siya lamang nakagawa para sa kapakanan ng kanyang mga PNP personnel.

Mabuhay kayo BG. Daboy Hidalgo...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph