Maj. Gen. Romemel Marbil bagong Chief PNP
Matatandaan noong Linggo (March 31) itinalagang Officer-In-Charge (OIC) PNP si Lt. Gen. Emmanuel Peralta.
Ito ang inihayag ng Malacanang noong Linggo matapos talagang bumaba sa kanyang puwesto si Gen. Benjamin Acorda. Dapat noong Disyembre 3 nakaraang taon ang Mandatory Retirement ni Acorda subalit pinalawig ni Pres. BBM ng apat na buwan hanggang Marso 31.
Halos apat na buwan extension ni Acorda, wala yata maiisip si BBM na papalit kay Acorda kaya siguro naglagay muna siya ng OIC.
Si Peralta ang pangalawa sa puwesto sa PNP kaya itinalaga muna siya bilang OIC.
Lumabas ang Order ni Peralta kahapon after lunch na kung saan pirmado ni Executive Sec. Lucas Bersamin at ang petsa ay Marso 27.
Walang naging turn-over ceremony sa PNP National Headquarters sa Camp Crame.
Nguni't nitong Lunes, naglabasan sa mga national newspapers ang pagtatalaga ni BBM bilang Chief PNP si Maj. Gen. Rommel Marbil.
Si Marbil ang 30th PNP Chief at inaasahan na itutuloy nito ang programa ni Gen. Acorda.
Si Marbil ay naging chief ng PNP's Directorate for Comptrollershp at naging Regional Police Director ng Eastern Visayas at PNP Highway Patrol Group.
Miyembro siya ng Philippine Military Academy's Class 1991 na kung saan ka-batch niya si Acorda.
Kahapon (Lunes) ginanap ang Retirement Honors kay Acorda.
At last nakapag-isip si BBM kung sino ang na ang itatalaga nitong bagong Chief PNP.
Congrats Major Gen. Rommel Marbil.....
Mga na-promote
Maraming na-promote na PNP personnel noong nakaraang Linggo.
Kabilang sa na-promote ng PLt. si Alvin A. Delos Reys at PLt. Anna Celeste Agustin.
Si Delos Reyes ay kasalukuyang nakatalaga sa Deputy Regional Director for Administration samantala naman si Agustin sa Deputy Regional Director for Operations.
Congrats Delos Reyes at Agustin sa inyong promotion at "you deserved the promotion."