Mandatory registration sa mga E-vehicles

 Mandatory registration sa mga E-vehicles

Nitong nakaraang Nobiyembre 30, isang panukala "mandatory registration sa mga Electric Vehicles (EVs) ang isusumite ni Land Transportation Office (LTO) chief, Vigor Mendoza sa Department of Transportation.

Nakasaad sa LTO Administrative Order 2021-035, kung ang EVs di makatakbo ng 25 kilometro ay hindi maaaring marehistro sa LTO.

Ang lahat ng mga EVs na dumadaan o ginagamit ang public roads ay kailangan nakarehistro ito, ayon pa kay Mendoza.

Ang mga di-rehistradong E-bikes ay mahigpit na ipababawal dumaan sa national highway at sa mga loob lamang ng mga subdivisions o barangay maaaring gamitin.

Kapag ang isang motorista nagmamaneho ng EVs na di rehistrado ay may penalty ito ng Php10,000.

Sang-ayon pa kay LTO chief ang mga bata o minors ay hindi puwedeng magmaneho ng EVs.

Sa City of San Fernando, ang EVs ay naging hari ng kalsada sa dami ng mga ito na namamasada.

Na-oobserbahan ng Dateline, ang mga EVs ay ginawa ng pangpasada sa lungsod.

Ang mga ito ay nagsasakay ng mga pasahero sa Barangay Del Rosario (Poblacion) at kung minsan umaabot pa ang mga ito hanggang sa Barangay Sindalan sa paghahatid.

Kadalasan pa ang mga EVs ay nasa gitna pa ng highway at nakikipagkareta sa mga pampasaherong jeeps at lalo na sa mga private vehicles.

Hindi nila alintana ang panganib na maaari silang maaksidente at kapag binusihanan mo ang mga ito, sila pa ang galit. Na kung tutuusin bawal na bawal sila sa highway.

Nagiging sanhi din ang mga ito ng mabagal ng daloy ng trapiko sa kalsada.

Sa paglipana ng mga EVs sa City of San Fernando, ano kaya ang maaaring agarang "Aksyon" ni Mayor Vilma Caluag??? Nagtatanong lang po.

Halos lahat ng mga drayber ng EVs ay walang kaukulang lisensya...

Maging ang mga motorized tricycle ay nagiging hari din ng kalsada sa dami nila sa highway at take note bawal din ang mg ito sa national highway...Bakit hindi ito ipagbawal ng kinauukulan....

At ano kaya ang magandang solusyon na gagawin ni Mayora Caluag sa grabeng trapik sa lungsod??? Nagtatanong lang po....

***********************

Si Lt. Col. Jay Dimaadal chief ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB3) ay promoted na bilang Full Pledge Colonel.

Isang donning activity ang isinagawa nitong Lunes pagkatapos ng Monday Flag Raising.

Si Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., PRO3 director ang nagsagawa ng nasabing donning.

Congrats sir Col. Dimaandal.....you deserved the promotion.....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph