Naging kontrobersyal si Bamban Mayor Alice Guo ukol sa usapin sa POGO operation sa kanyang bayan.
Matatandaan sinalakay ng mga otoridad ang Zun Yuan Technology Incorporated sa Baofu compound sa bayan ni Guo dahil sa illegal operations nito..
Inaresto ng mga otoridad ang mga Chinese nationals at iba pang tauhan ng POGO sa isinagawang pagsalakay.
Dahil dito ipinatawag ng Senado si Mayor upang maipaliwanag nito kung bakit nagkaroon ng POGO operations sa kanyang bayan.
Sa Senado tinanong si Guo kung saan siya ipinanganak at sino ang nagpaanak sa kanyan. Ang sagot nito di raw niya alam kung sa bahay o sa ospital ito ipinanganak. Wala din malinaw na sago si Mayor kung saan siya nag-aaral.
Napag-alaman ng Senado na 17-year old na siya nang nagparehistro sa bayan ng Bamban. Ang ibig sabihin nito sa loob ng 16 taon saan si Mayor.
Sinabi ni Guo na residente daw siay ng Barangay Virgen de los Remedios sa Bamban sa idad na 18 at dalawang buwan.
Ang ibig sabihin nito hindi lumaki sa Bamban si Guo kaya di ito kilala ng mga residente.
Sa record ni Guo sa kanyang mga kumpanya naging residente siya ng Valenzuela City at Metro Manila.
Nagparehistro naman si Guo sa Commission on Election bilang botante noong 2018 lamang na idad 32. Ibig sabihin sa mga nakaraang eleksyon di siya bumoboto??? Nasaan siya???
Tumakbo ng alkalde si Guo noong 2022 eleskyon bilang Independent na kung saan nanalo ito laban sa kanyang katunggali na si Joey Salting. Lumamang Guo ng 468.
Napag-alaman bago tumakbo si Guo ibinenta daw ang lupa na kinatitirikan ng POGO.
Kung bago bago lang sa Bamban si Guo bakit siya binoto ng mga botante??? Nagtatanong lang po...
Sa nasabing ikinasasangkot ni Mayor Bamban sa POGO operations inirekomenda ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang suspensyon sa kanya.
Dapat siguro masusing imbestigahan si Bamban Mayor...kung karapat dapat itong maging alkalde???
Dahil malabo kung saan ipinanganak.... Sabi nga ng kausap ng Dateline baka isa siyang ALIEN. Bigla siyang sumulpot sa Bamban.